Pagsisisi




Yung inakala kong limot na kita,

Pero hindi pa pala.

Pinipilit kong kalimutan ka,
Pero hindi ko pala kaya.

Bumabalik nalang bigla ang mga
Masasayang sandali
Mga sandaling puno ng tuwa at
Mga salita mong sakin may kiliti.

Sa panahong ako'y nagiisa
Di mapigilang hindi malungkot
Sa mga gabing sandali na ako'y nakahiga
Di mapigiling hindi maluha dahil sa kirot

Nagkaroon ng mga katanungan
Sa aking isipan,
Ano kaya tayo ngayon?
Masaya kaya tayo ngayon?

Hindi sana magkakaroon ng ganitong katanungan
Kung ipinagpatuloy ko ang aking nararamdaman
Subalit hindi ako manhid, para di maramdaman
Na gusto mong ikaw ay akin ng bitawan.

Kaya ako ay gumawa ng isang desisyon
Desisyon na alam kong diko kayang panindigan
Ngunit kelangan kong manindigan
Kahit masakit ika'y akin ng bibitawan

Ngunit meron akong desisyon
Na kelanma'y diko pinagsisisihan
At ito'y aking babaunin
Hanggang sa aking libingan

Kahit kelan hinding hindi ko pagsisisihan
Ang panahon nung tayo'y magkakilala
At lalong hindi ko pinagsisisihan
Ang pagmamahal na ating nadama sa isa't-isa

Kung meron man akong pinagsisisihan
Yun ay ang desisyon na akala ko kakayanin ko
Desisyon na akala ko naging matapang ako
Desisyon na hindi ko napagisipan.

Desisyon na sayo ay magpaalam
At sabhin ang tunay na nararamdaman
Na kelangan ng ika'y aking sukuan
At patuloy na ikaw ay akin ng bitawan.

By: Ron Deinla

You Might Also Like

0 comments