Masaya na akong nakasama kita.


#HugotSnapConfessions

Lihim Na Pagtingin

It's been 5 months since I met you and I never thought that It'll end up this way. Hindi ko alam kung bakit sa dinami-rami ng taong makikita ko, ikaw pa. Ikaw pa ang makakakuha ng atensyon ko.

Hindi ko rin alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko para sayo. Nanginginig yung tuhod ko, bumibilis yung tibok ng puso ko lalo na tuwing nakikita kita. Malayo ka palang kasing bilis na ng kumakarerang kabayo ang tibok ng puso ko.
At sa pagdaan mo, para bang biglang tumigil ang mundo ko't tumigil ang pagtibok ng puso ko sa pagdaan mo sa harapan ko.

Kung alam mo lang ang nararamdaman kong ito para saiyo. Kung alam mo lang kung gaano mo ako pinapasaya sa bawat araw na nasusulyapan, nakikita at nakakausap kita.
Kung alam mo lang kung paano mo pinapagaan ang loob ko sa tuwing alam kong nasa paligid lang kita, na alam kong ang presensya mo ay andyan lang.

Kung alam mo lang na sa tuwing tayo'y nag-uusap parang gusto kong itigil ang oras at damhin ang mga pagkakataong kausap kita.
Kung alam mo lang na sa tuwing tayo'y magkasama pakiramdam ko'y ako ay nasa langit na.
Kung alam mo lang na ang aking simpleng paghanga sayo'y unti-unti ng nag-iiba.

Na ang mga simpleng bagay na tungkol sayo'y saki'y nakakapagpasaya na,
Na sa iyong mga tingin ay ako'y kinikilig na,
Na ang mga ngiti mo'y unti-unti na akong itinutulak ako sa bangin mong malalim,
Na sa oras na ako'y mahulog alam kong mahirap ng lumabas at bumalik,

Ngunit sa tingin ko'y di ko na gugustuhin pang bumalik kung sakali mang-ihulog mo ko.
Dahil kahit na alam kong sakit ang idudulot ng pagkahulog ko saiyo alam ko nama'y ikasasaya ko rin ito.

Alam kong walang pag-asa at malabong magkaruon ng "tayo"
At alam kong kahit kailan hindi mo mapapansin ang katulad ko.
Ngunit handa parin akong manatili dito, kung saan sinusulyapan at inaantay ka sa tuwing ika'y dadaan.
Handa akong masaktan habang nakikita kang masaya sa kanya dahil sa lahat ng ayaw ko ay makikita kitang lumuluha.

Sa iyong pagdaan ang ating mga mata'y magtatagpo kasabay ng iyong mga tingin na halos tagos sa kaluluwa ko. Para sa kanila'y di ka kagandahan ngunit ako ay umaalma dahil hindi naman ikaw talaga ang tinitignan nila kundi ang iyong pisikal na katangian lamang. Dahil ang tinutukoy kagandahan ay ang iyong katangian.

Ang iyong kagandahang loob at busilak na puso sa kabila ng mga naririnig kong bulong-bulungan na ika'y walang puso ay alam kong itinataglay mo. Ika'y isang anghel na lihim na nagkukubli sa isang imaheng sa tingin ng iba'y masama.

Ang iyong mga mata ang naging daan upang ika'y aking makita at malaman kung sino ka nga ba talaga dahil ang iyong mga mata ay may naitatagong hiwaga na nagpapakita kung sino ka nga ba talaga. Iilan lamang ang nakakakita nito saiyo at itinuturing ko ang sarili kong maswerte dahil nakilala ko ang isang taong katulad mo.

Gusto kitang mahalin ng lubusan ngunit alam ko'y hindi ito maari dahil maraming hadlang. At ang tangi ko lamang magawa ay mahalin ka ng palihim at hayaang magpahulog saiyong mga patibong.

Sabihin man nilang tanga ako at martyr ngunit hindi ba ganun naman talaga kapag tayo'y nagmamahal ng lubusan?

Handa nating ilaan ang lahat para sa taong gusto natin.
Gawin ang mga bagay na hindi nating inaakalang magagawa natin.
Hangarin na sana'y mapansin rin nila ang ating mga pinakatatagong damdamin.

Hindi bale ng hindi mo ko kayang mahalin dahil ang pagmamahal ko sayo'y ibinibigay ay hindi na kailangan ng panukli. Makita lamang kitang masaya sa piling niya'y sakin ay okay na. Makasama lang kita, abot langit na ang aking sayang nadarama.

— Ms. Dee Ma Ah Ri

You Might Also Like

0 comments