Nasasaktan tayo, para hindi masaktan ang ibang tao. Ito na ba 'yung tinatawag nilang sakripisiyo?


Ilang oras pa lang na wala siya,
parang araw na.
Sa araw na wala siya,
parang linggo na.
Sa linggo na wala siya,
parang buwan na.
Sa buwan na wala siya,
Halos parang taon na.
Hinahanap ko 'agad siya,
Kahit alam ko kung nasaan siya.
Gusto ko siyang tawagan,
At makausap pa.
Gayong alam ko naman
Na hindi na maaari pa.
Ang sakit-sakit pa,
Pero tanggap ko na.
Masiyado pang maaga,
Para sabihing hindi ko kaya.
Lilipas din naman 'to,
Hindi lang sanay sa biglaang pagbabago.
Marami pang makakasalamuha,
Mahabang panahon ang nakaabang pa.
Ramdam ko ang laki ng nawala,
Nang sakin siya ay mawala.
Pero alam ko masasanay rin ang bawat isa,
Na wala sa piling at ang hawak ay iba.

—Words and photo by AAA

You Might Also Like

0 comments