Hanggang dito nalang siguro ang ating kwento.


"DATING TAYO"

Natatandaan mo ba ang dating tayo?

Dating tayo na pinangako hanggang dulo

Dating tayo na tayo lang at wala ng iba

Ngunit naglaho nalang ito na parang bula


Naalala mo ba yung mga oras at panahon na ikaw ang nagbibigay ngiti

Sa mga labi kong natuyo ng dahil sa sakit

Sakit na binigyan mo muli ng pag asa,

Pag asa na makakahanap ng isang tulad mong labis kung magpasaya.


Naalala mo din ba ang panahon na tila pasan ko ang mundo

Palagi kang nasa tabi at hindi iniiwan ang isang tulad ko

Ikaw ang naging panyo na pinupunasan ang mga luha ko

Ngunit anong nangyari sa ating dalawa?


Napalitan ng kalungkutan ang dating tayo na kaysaya

Muling umagos ang mga luha na pilit itinatago

Ang mas masakit ikaw na ang dahilan ng pagluha ko

Siguro nga dapat ko ng kalimutan ang dating tayo


Dahil alam kong sa huli ako parin ang talo

Ang dating tayo na napag iwan na ng panahon

Ang dating tayo na hindi na maibabalik pa kahit anong gawin ko

Hindi na magiging happy ending ang love story nating ito


Hanggang dito nalang siguro ang ating kwento


Ang Dating Tayo.



AJM - Panda

You Might Also Like

0 comments