Pinagtagpo ngunit hindi itinadhana.
ISANG GABING KALOKOHAN
Pinagtagpo ngunit hindi itinadhana.
Pinagtagpo.. Ngunit.. Hindi itinadhana..
Paulit ulit tumatakbo sa isip ko
kung paano, bakit, ano
ang dahilan ng ating pagtatagpo.
Ito ba ay sensyales?
O ang tadhana talaga ay sadyang mapaglaro?
Isang gabing kasiyahan ngunit isang malaking kalokohan.
Tuwa, Saya, Galak ang pumupuno sa bawat isa ng gabing 'yon.
Gabing, ayaw ko na matapos at ayaw makita ang mga sinag ng araw na nagsasabing tapos na.
Tapos na.
Tapos na ang bilang na oras para sa ating dalawa.
Tapos na ang isang gabing tuwa.
Tapos na.
At hindi ko alam kung mauulit pa.
Umaasa?
Oo! Umaasa akong makitang muli ang iyong mga nakangiting mata.
Na muling makausap ka at sabihing gusto kita.
Bumubulong na lamang ako sa mga tala na "sana isa pa"
Dahil kulang!
Kulang na kulang ang isang gabi
para sa 'ting dalawa.
Ngunit sobrang galak
dahil sa isang gabing 'yon nakilala kita.
Pero kasabay ng isang di malilimutang gabi
Ay ang pusong sawi.
Pusong naiwan sa taas, sobrang taas.
Ni hindi alam kung pano, kung pwede, kung dapat bang saluhin.
Pero bukas naman ang aking mga matang..
Hindi!
Hindi maaari!
Sinasaktan ko lamang ang aking sarili.
Sino ba ako?
Sino nga ba ako?
Hahaha!
Natatawa na lamang ako sa imahinasyon na ako lamang ang bumubuo,
Imahinasyon na kahit kelan di magiging buo at totoo.
Dahil malabo.
Dahil kahit anong ikot ng mundo,
Walang posibilidad.
Pano ka nga ba tataya sa isang sugal kung alam mong una palang talo ka na?
Pano ka nga ba lalaban kung una pa lang wala ka ng armas at sandata?
Pano ka nga bang magugustuhan kung alam mo sa sarili mong wala ka at hindi mo kailanma'y mabibigay ang gusto niya.
Pero Salamat!
Salamat dahil sa isang gabi na alam kong isang kalokohan,
Pinaramdam mo sakin kung pano maging mahalaga.
Salamat, ngunit ito'y tapos na.
At hindi na mauulit pa, dahil umaga na.
—BRNSHWDMRT07
0 comments