Heto ako ngayon, nakangiti. Habang kumakaway at papalayo sa lugar na kinatatayuan mo.




"KAIBIGAN PALA KITA"



Heto ako ngayon, nakangiti.

Habang kumakaway at papalayo sa lugar na kinatatayuan mo.



Unti-unti,

palayo ng palayo,

palabo ng palabo.



Unti-unti,

pawala ng pawala

ang imahe mo sa pangingin ko.



Sana ganun din.

Sana ganun din yung nararamdaman ko para sa'yo.



Na habang palayo ng palayo,

palabo ng palabo ang pagtingin ko sa'yo.



Kahit unti-unti,

sana pawala ng pawala habang palayo ng palayo.



Layo?

Kailangan ba talaga na ako ay lumayo?



Sa unti-unti ko bang paglayo ay unti-unti rin ang pagkawala?



Pagkawala ng nararamdaman

ko para sa'yo.



Kaibigan.

Mag-kaibigan nga lang pala tayo.



Kaibigan lang ang tingin mo sa katulad ko.



Kaya dapat alam ko ang kinalalagyan ko

dahil kaibigan mo lang ako.



Bakit ba kasi napakatanga ko?

Bakit hinayaan ko na mahulog ako sa'yo?

Sayo na kaibigan ko.



Pero,

kasalanan mo 'to eh.



Kasalanan mo 'to at ng mga biro na lumalabas sa labi mo.



Yung mga biro na kapag naririnig ko, natutunaw ako.



Kasalanan mo 'to at ng mga tawa na namumuntawi sa labi mo.



Yung mga tawa na kapag naririnig ko, natutunaw ako



Kasalanan mo 'to at ng mga ngiti na gumuguhit sa labi mo.



Yung ngiti mo na kapag nakikita ko, natututunaw ako.



Kasalanan mo 'to at ng mga tingin na na ibinabato ng mata mo.



Yung mga tingin na kapag nakikita ko, natutunaw ako.



Kasalanan mo 'to at ng mga haplos na nangmumula sa palad mo.



Yung mga haplos na kapag nararamdaman ko, natutunaw ako.



Kasalanan mo 'to at ng mga yakap na nanggagaling sa bisig mo.



Yung mga yakap na kapag nararamdaman ko, natutunaw ako.



Kasalanan mo 'to at ng mga mensahe na nagmumula sa'yo.



Yung mga mensahe na kapag nababasa ko, natutunaw ako.



Kasalanan mo 'to. Kasalanan 'to ng kabuuan mo.

Yung buong ikaw; loob at labas- na kinahumalingan ko.



Pero kasalanan nga ba?

Mali ba ako?



Mali ba na nahumaling at nahulog ako sa'yo?

Sa'yo na kaibigan ko?



Mali ba na nahulog ako

sa kabaitan mo?



Yung sa bawat pag-uwi, may paghahatid at "ingat ka"



Yung sa bawat pagkain, may dahan-dahan at "magpakabusog ka"



Yung sa bawat problema, may karamay at "sasamahan kita"



Mali ba na nahulog ako sa kabaliwan mo?



Yung sa bawat jokes, may halakhak at "buti masaya ka"



Yung sa bawat tara, may pagsama at "bahala na"



Yung sa bawat trip, may tawanan at "baliw ka na"



Mali ba na nahumaling at nahulog ako sayo?

Sayo na kaibigan ko?



At kung mali man ito, pasensya.

Pasensya, Patawad, Pasensya ka na.



Hindi sadya.

Hindi ko sinasadya na mahulog at mahalin ka.



Pero mali nga yata talaga.

Mali na minahal kita ng higit sa kaibigan pa.



Kaya siguro nga...

Gaya ng unti-unti na pawala ng pawala ang imahe mo sa paningin ko habang palayo ng palayo ako,



Dapat ay unti-unti,

palayo ng palayo ako sa iyo,

para unti-unti, pawala ng pawala ang nararamdaman ko para sa iyo.



Pasensya ka na.

Pero sa paglayo ko sa pagkakataong ito,



Wala nang pag-ngiti at pagkaway at paglingon pa sa kinatatayuan mo.



Dahil alam ko na kahit hindi ako lumingon,



unti-unti,

ay pawala ng pawala ang nararamdaman ko para sa iyo



Gaya ng unti-unti

na pawala ng pawalang imahe mo sa paningin ko sa tuwing palayo ng palayo ang bawat yapak ko.



Sa bawat yapak sa landas na tatahakin ko ngayon, Mag-iiwan ako ng mga bakas



Bakas ng pagmamahal ko ang maiiwan ko sa landas na tatahakin ko.



Mukhang matagal tagal pa ang pagbabalik ko.

Pero sa pagbabalik ko, alam ko.



Alam ko na wala na ito.



Wala na ang nararamdaman kong pagmamahal para sa iyo.



Wala nang malungkot na "miss na agad kita" sa bawat paghihiwalay natin



Wala nang masakit na "bagay kayo" sa bawat pang-aasar ko sa inyo



Wala nang umaasa na "i love you too" sa bawat replies ko sa iyo



Wala nang nakakawasak na "sana ako nalang" sa bawat dates mo



Dahil wala na ang pagmamahal ko para sa iyo.



Pasensya ka na, kung nahulog ako.



Kaibigan pala kita.

Words and Photo by: Erica Serrano

You Might Also Like

0 comments