Titiisin ko lahat ng pagtitimpi, pagpipigil, pagtatago at masaktan ng lihim sa tuwing naiisip kong may mahal ka ng iba.
BAKIT IKAW PA MADAM?
Hi,i ggrab ko na tong oppotunity na to write down and shoutout kung ano man ang totoong feelings ko para sa babaeng pinakamamahal ko. Sana mapost po please. Thank you in advance.
Naisip ko lang na sobrang blessed pala yung mga taong nakatagpo ng mga taong kaya rin silang mahalin, ung kayang sukilan ung pagmamahal na iniaalay nila. Yung pwedeng maging sila talaga sa totoong buhay. Ako kase, minsan lang magmahal, sa maling tao pa. maling mali. Mali, dahil may asawa na sya, mali dahil prof ko sya, at mali sa paningin ng ibang tao dahil parehas kami ng kasarian.
1st year college ako nun nung naging prof ko sya, dalaga pa sya that time, at ang masaklap dalaga din ako. Hahaha. Sobrang takot kami ng blockmates ko sa kanya kasi strict sya, napapa nganga ka na lang talaga pag nag turo na sa sobrang husay nya. Pambihira talaga sya sa lahat. Napak simple at ibang klase yung pag ka witty nya. Naging crush ko sya. As in nagpapansin ako ganon haha. Yung kunwari pag lalabas na sya ng room gagawa ako ng way na magkakasabay kami maglakad sa corridor, buo na yung araw ko pag ganon. Hahaha. And then, inadd ko sya FB, hindi ko nga inexpect na i-accept nya kasi pakiramdam ko ang taas taas nya. Pero ang swerte kasi inaccept nya ako. Stalk ko sana pero walang gaanong pictures, pa mysterious effect pa kaya lalo akong nanggigil haha. Hanggang sa duma damoves na ako, china chat ko sya palagi , nag rereply naman sya, di naman pala sya ganong ka suplada, pero suplada din Natapos ang 1st sem, kinailangan kong huminto ng pag aaral due to family problem,. Nalungkot yung puso ko kasi alam kong di kami magkikita. Di ko inasahan na yung pag stop ko pa yung magiging way para maging close kami, since wala akong pinagkaka abalahan, puro FB ang inatupag ko, lahat ng games na nilalaro nya sa FB nilalaro ko din para magkaron ako ng dahilan para kausapin sya. Haha. To make it short, naging close kami. Palagi nya ako ineencourage bumalik sa pag aaral. The following year June, 2010, bumalik ako sa pag aaral. 1st day of pasok ko nag kasalubong agad kami. Nagulat ako sa reaction nya kase ni hug nya at ako bineso. Di ko inexpect mga bes. Hahaha. Syempre tuwang tuwa sa galak yung kaluluwa ko non. Then everything follows, mas naging close kami, kumakain sa labas. Nag bobonding. Pag may problema ako hindi nya ako iniiwan. Lagi syang nanjan para sa akin. At natutuwa ako na yung mga friends ko, eh nagiging friends nya din Naging honest ako sakanya, sinabi ko sa kanya nag BI ako, na nag kakagusto ako sa kapwa ko babae, yun nga lang, hindi ako nagkaron ng lakas loob na sabihin ung totoong nararamdaman ko para sakanya. At alam ko din naman na may boyfriend sya that time. Kaya isinantabi ko yung nararamdaman ko.
Hanggang sa dumating yung pinakamasakit na araw sa buhay ko. KINASAL sya, walang nakaalam kahit ang mga kaibigan ko kung gaano ako umiyak nung araw na yun. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa, pero alam mo yun? Kailngan mong magpanggap na masaya ka para sakanya kase kaibigan ka nya? Sakit tang ina. Good thing, working student ako that time. Nag focus ako don, ni divert ko yung attention ko sa duty at sa study, at sa group of friends ko na nagpasaya sakin nung mga panahon na yon. Ayun mejo nakalimutan ko sya. Hanggang sa naka graduate ako. Pero kase, pag kagraduate na pagka graduate ko, pinag aral ulit ako ng parents ko kase BS Accountancy talaga yung gusto nilang course para sa akin. Dito na ulit nag simula ang lahat, since maluwag na yung schedule ko, napadalas na naman yung pag kikita namin. as in almost everyday. Masayang nagkwekwentuhan, hindi napapansin yung tiktak ng oras dahil sa sarap ng usapan. May pagkakataon na sinasabi ko sankya na papunta din ako ng QC kahit hindi naman, para makasama ako saknya sa byahe at makasama ko pa sya. Haha. As in sa kaya umikot yung mundo ko. Kahit ngayong working student na ulit ako, ginagawan ko pa din ng paraan para makasama ko sya.
Nagagawa ko din iparamdam sakanya na mahal ko sya sa paraang alam ko. Surprises pag birthday nya, pag teacher’s day, pag Christmas or pag kahit simpleng namimiss ko sya, nag pprepare talaga ako ng surprises. Pinaghahandaan ko talaga ng bongga, kasi ito lang yung alam kong paraan how to show to her how much she means to me and how in love I am with her. Kahit abutin ako ng madaling araw kaka edit ng video para sa birthday nya, kahit gumising ako ng sobrang maaga, basta maunahan ko lang sya sa 1st class nya para ma prepare ko yung surprise ko saknya before sya dumating. Kinakasabwat ko yung mga co-teacher nya or students. Wapakels na ako kahit magtaka sila bakit ko ginagawa yun haha. Basta mapa ngiti ko lang sya. Di ako nakaktulog pag may mga pina plano akong surprises for her hahaha. Sobra yung excitement kong mapasaya sya. Pag may sakit sya hindi ako mapakali, I make sure na may magawa man lang akong isang bagay na makakapag paramdam saknya how much i love her. Kahit mag iwan lang ako ng tea or favorite food nya sa table nya or anything na alam kong makakapag pagaan ng araw nya bago ako pumasok sa work para lang ma comfort ko sya. Sobrang ma effort ako pagdating sakanya as in super effort. Gustong gusto kong napapa saya sya at napapangiti. Sobrang sumasaya ung puso ko pag nakikita kong napasaaya ko sya. Sya talaga ung priority ko kumbaga, patay na patay talaga ako sakanya, ung excitement ko tuwing magkikita kami? Ibang klase. Ung simpleng text nya at pangungumusta sakin sobrang saya na ng puso ko. Minsan napapatanong ako sa sarili ko, “ano ba talaga itong nararamdaman ko? May idea ba sya na mahal ko sya?” kasi ibang klase talaga e. Pero nangunguna sa buong pagkatao ko yung takot. Takot na baka pag nalaman nya yung totoong nararamdaman ko, mawala yung pinagsamahan na meron kami. Takot na takot ako. Many situations to be considered like:
First and foremost: babae sya, babae ako, di ko alam kung may pagkakataon ba ako o talagang ako lang yung umasa at sobrang kinikilig sa kanya.
Second: mataas sya masyado, feeling ko ang layo layo ko sa kanya.
Third: pinaka masaklap, may asawa sya. ilang beses kong sinubukan lumayo, pero pilit pa rin akong hinihila ng puso ko kung saan ito masaya. Hays.
Mag kaibigan kami, im too afraid na baka pag inamin ko sa kanya how I truly feel, biglang mawala lahat.
Siguro nga mananatling katanungan at what if’s lahat ng ito para sa akin. Siguro nga ako na lang ang makakaalam nito hanggang sa lumipas at mabaon na sa tagal ng panahon.
Kung alam nya lang kung gaano ko sya kagustong alagaan sa tuwing nakakaramdam sya ng stress at pagod sa trabaho. Sa tuwing inuubo sya, kung gaano ko gustong hagurin yung likod nya para maramdaman nya na andito lang ako. Kung alam nya lang kung gaano ko sya kagusto makasama at makita araw araw. Kung alam nya lang kung gaano ko kagusto na pagsilbihan sya, at pasayahin sya para maramdaman nyang siya ang nag iisang prinsesa at reyna ng buhay ko. At higit sa lahat, kung alam nya lang kung gaano ko kagusto sabihin sa kanya na SIYA AT SIYA PA RIN YUNG HINIHINTAY AT TUNAY NA NAGBIBIGAY NG KULAY AT SIGLA SA BUHAY KO.
At the end of the day, mag kaibigan kami, at alam ko na my chances are too low or baka nga wala pa e. For me, it’s better to be friends than to have nothing at all. Tutal, nagagawa ko namang iparamdam sa kanya how much I love her e. Yun nga lang di ko sure if ramdam nya ba? Haha. Titiisin ko lahat ng pagtitimpi, pagpipigil, pagtatago at masaktan ng lihim sa tuwing naiisip kong may mahal syang iba, wag lang syang mawala sa buhay ko, and even if all we’ll ever be is just friends, I’ll still take that, i need her in my life no matter what her role will be.
Shoutout sa nag iisang madam teacher ng buhay ko. Sana ako na lang. Haha. Hindi man ako ang tunay na prince charming mo, i promise to love you on your best, on your worst and even at your nightmares. I promise to take care of you and to make you happy each and everyday of my life. Madam, hindi man ako tunay na lalaki, pero pinpangako ko sayo na ako ang magiging superman mo. I will make sure na palagi kang panatag at safe pag ako ang kasama mo. I’ll be you protector, your sanctuary. Madam ko, andito lang ako hanggang sa maramdaman mo ako. I’ll keep you deep in my heart where nobody else not even you can know.
7 years na kitang minamahal ng palihim at mas lalo akong nahuhulog sayo tuwing nakikita ko ang mga ngiti mo. I love you beyond words! 💕
-SUPERMAN NG UE
0 comments