Asan ka na? Miss ko na yung dating tayo.


#HugotSnapConfessions

Hi bestfriend.
Naalala mo pa ba ako?
Ako lang kasi yung kasama mo nung mga panahong wala sila para sayo. 
Ako yung nagsilbing kasama mo kahit alam kong may mga iba ka pang kaibigan.
Ako lang naman kasi yung nilalapitan mo nung mga panahong may problema ka.
Ako lang din naman yung kasama kong kakulitan.
Kasama kong makatawanan.
Kasama kong makaasaran. 
Pero hay, nasaan ka na ba ngayon?
Kilala mo pa din ba ako?
Oo, kilala mo pa din ako. Kaso naalala ko hindi na pala tayo tulad ng dati.
Nasaan na yung presensya mo?
Bakit bigla ka nalang nawala?
Alam mo, ang dami kong mga tanong na hindi mo sinasagot.
Kung bakit bigla ka nalang nawala sa tabi ko.
Bigla ko nalang hindi narinig yang mga boses mo.
Yung mga tawanan natin hindi ko na maalala kung kailan yung huli nating ganun.
Yung matagal na oras na kasama kita, hindi ko na din maalala kung kelan din huling nangyari yun.
Hindi ko na maalala kung kailan kita huling nakausap ng matino 
Bestfriend, miss na miss na kita sobra. 'Di ko alam kung anong nangyari satin. Wala naman din akong pagkukulang sa pagkakaibigan natin eh.
Sana bumalik na yung dating pinagsamahan natin. 
Magkaklase lang tayo pero di tayo naguusap. Ang lapit lang natin sa isa't isa pero pakiramdam ko ang layo mo sakin.
Haaayy, I miss you, bestfriend. 😞

—j.c

You Might Also Like

0 comments