Baka posible sa atin ang "TAYO"


#SpokenWordPoetry

Hayan na naman ang mga ngiti mo,
Buo'ng giliw mo'ng ibinibigay.
Kung kaya heto na naman ang  ako,
Palihim na kinikilig sa'yo.

Araw-araw kita'ng kasama,
Madalas na ako'y nilalambing mo.
Ang puso ko ngayo'y umaasa,
Baka posible sa atin ang 'TAYO'.

Iniisip ko ba'y iniisip mo rin?
O baka ako lang ang nag-iilusyon?
Damdamin ko ba'y damdamin mo din?
Nahihirapan ako'ng mag-desisyon.

Sa bawat ngiti,nalilinlang ako.
Sa mga paglalambing,nalilito ako.
Paano naman ang puso ko?
Saluhin mo naman sana ako.

—Love ni Baymax

You Might Also Like

0 comments