Paalam sa iyo lubos kong minahaL


#SpokenWordPoetry

PAALAM

Masaya pa tayo nu'ng binubuo mga pangarap natin,
Hinuhulma ang bukas na kasabay nating haharapin
Dinadama ang pag-ibig na nanalaytay sa bawat salitang iyong pinapakawalan
Pagmamahalang sa buong mundo'y pinagsisigawan.

Tulad ng isang halaman sa disyerto'y unti unting nalanta
Nawalan ng ningning at kulay ang pagsasama
Ngunit gayunpaman Hindi ko inalintana
Ninais pasiglahin, umasang maibabalik pa.

Sa paglipas ng buwan at wari'y mga taon
Halamang binubuhay ng pait ng kahapon
Hindi namalayang sa pagharap sa mga hamon
Patuloy sa panlalagas kanyang mga dahon.

Ang dating pangakong laging inuusal
Tila isang bulang naglaho ng lubusan
Halakhak na tanging ikaw ang dahilan
Napaltan ng luhang Hindi matatawaran.

Pagmamahal na dati ay pinagsisigawan
Ngayo'y paos na tinig doon sa kawalan
Mga alaala'y laging nagsasalimbayan
Wari'y ayaw ka pang lubusang bitawan.

Sa higpit ng kapit ko di ko namalayang
Ako pala'y matagal mo ng binitawan
Hinihintay mo lamang na ako ay mapagal
Kusang magpalaya at sumuko sa laban.

Pagsuko, salitang Hindi ko dati alam
Pagkat para sa akin ito ay karuwagan.
Ngunit ito pala ang tunay na katapangan
Tanggapin na wala ka na at sayo'y magpaalam.

Paalam sa mga taong ating pinagsamahan
Gayundin sa sakit na aking nararamdaman
Paalam sa iyo lubos kong minahal
Regalo sa bawat isa ngayon ay KALAYAAN.

-fhei

You Might Also Like

0 comments