Mahal kita pero ayoko na magmukhang tanga.


#HugotSnapConfessions

STATUS: It's Complicated

Sa simula wala tayong inisip kundi ang sarili, maraming pangako sa isa't-isa walang iwanan, sasamahan sa laban ng buhay. Ngunit unti-unting nagbago ang lahat. Mahal natin ang isat-isa pero ikaw din ang unang bumitiw. Umayaw ka dahil sabi mo MALI. 
Pinigilan kita, hindi ka nagpatinag dahil desidido ka nang iwan akong mag isa. Ginawa ko na ang lahat pero hindi parin sapat? Ang daming tanong na mahirap ng sagutin. Bakit ako pa? Bakit minahal kita? Kung minahal mo din ba ako tulad ng pagmamahal ko? Pero sabi nila hindi pwedeng maging equal ang pagmamahal. Unfair 😢 
Pero wag kang mag-alala huli na'to. Hindi na kita hahabulin pa, Dahil sa tuwing hinahabol kita. Ika'y natakbo palayo. Nais ko lang malaman mo na Salamat, Salamat sa lahat ng memorya noong tayo pa. Salamat sa panandaliang ligaya na pinadama mo. Subalit hanggang dito na lamang dahil Paalam na, Mahal. Ayoko na magmukhang tanga. 

—hugoterangtondo

You Might Also Like

0 comments