Sana nilinaw mo muna ang lahat sa pagitan nating dal'wa upang sa gayoy hindi na ako mahirapang kalimutan ka.


#HugotSnapPoetry

Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin
Ano nga bang nangyari?
Na kahit ilan taon nang lumipas,
Sigaw ng puso'y ikaw pa rin.

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam.
Anong nangyari, bakit ako'y iniwan?
Na ang dating masaya, ngayo'y wala na.
Saan nga ba patungo itong nararamdaman ko?

Hindi ko alam kung bakit,
Ang bilis mong makalimot,
Naiintidihan ko, iintindihin ko.
Sisiguraduhin kong ako din, makakalimot.

Handa akong pagbigyan ka at ang tadhana.
Ako'y pansamantalang tatahimik at magdarasal,
Na sana, lahat ng ito'y maintindihan ko.
Sisiguraduhin na tama na ang lahat.

Hanggang dito na lang tayo.
Ang dating tayo, wala na talaga.
Naiintidihan ko, hindi na talaga pwede.
Sana'y ikaw ay masaya, dahil ako din, magiging masaya para sayo.

- anonymous

You Might Also Like

0 comments