Why do I always end up loving you so deep that I get drown on my emotions?


#HugotSnapConfession

To my almost 8 years boyfriend

Anong nangyari? Noong nagsisimula palang tayo, ang saya. Kahit nong tumagal na din tayo. Mahirap kasi hindi tayo legal sa magulang ko pero kinaya natin yon. Third party, umay, trabaho, scarce na oras - kinaya naman natin lahat to. I thought we are already matured enough para mapatibay pa ang relasyon natin pero anong nangyari?

Hindi ko talaga alam. 

Mahal kita, ramdam ko yon.
Mahal mo din ako, ramdam ko pa din naman yon.
Pero ramdam ko din na hindi na sapat yong mga nararamdaman natin. 😕

Hindi ko alam kung anong gagawin.
Why do I always end up loving you so much that I get drown on my own emotions. Lunod na lunod na ko sa mga iniisip ko. Lately, andami nating pinagtatalunan. We even end up having a cool off just to lighten things up. And here we are agan. Bati na naman tayo, pero bakit ganon? Kahit araw araw tayo magusap, magkita at magmahalan, ramdam ko pa ding may unti-unting nawawala. 😟

Alam ko di mo ko kayang makitang malungkot, nagiipon na lang ako ng lakas na loob na kausapin ka. Ayoko ng mahirapan ka or ako din. Hindi naman ako nanghihinayang sa tinagal natin. Sobrang thankful ko kasi pinaranas sakin ng Diyos kung papano ka magmahal. 😊 Masaya ako sa lahat ng pagkakataong nakasama kita. Napakaraming bagay ang natutunan ko from you. Naexperience with you, at hindi mapapantayan yon ng ganon lang kadali ng iba.

Siguro nga may mas maganda pang plano ang Diyos para sa atin. Kung ano man yon, basta galing sa Ama, masaya kong tatanggapin. Sana kayanin ko, kakayanin ko. Mahirap, NAPAKAHIRAP! Iniisip ko palang na matatapos na ang kwento natin, naluluha ako pero nangingiti din ako kase masaya ako na hindi mabigat sa loob ko habang tinatype ko to. 

Sana pag nagusap tayo, malinawan na lahat ng mga tanong ko. Para may peace of mind ako! Kahit yun na lang. ☺
Kelan ba ko ttyempo? Sa day off mo? Haha, para pahinga mo? Para di ka mapuyat or mapagod. 

Bahala na, andyan naman si Batman. 

—Elleyxx

You Might Also Like

0 comments