Pinapalaya na kita. Sana maging masaya ka na.
#HugotSnapPoetry
"Kalayaan"
Bago ko simulan ang tulang laan para Sayo, nais ko munang maglaan ng isang kataga. Kalayaan.
Kalayaan. Maraming kahulugan, halimbawa, o uri ang kalayaan.
Maaaring kalayaan mula sa mga mananakop noong unang panahon,
Kalayaan mula sa terror mong guro o propesor,
Kalayaan sa Gera ko pakikidigma, o maaaring Kalayaan mula sa armalight na bibig ng iyong ama at ina.
Pero sa mga kabataan sa panahon ngayon,
Maaaring ang karaniwang minimithi at naisin ng mga ito Ay ang kalayaan mula sa isang relasyong hindi mo na kayang tagalan o pangatawanan.
Marahil ang dahilan ng iba'y nasasakal na sila,
O na hindi na nila matagalan ang ugali ng isa't-isa,
Habang ang iba nama'y sasabihin ay ayaw na nilang makadama pa ng sakit at pait na dulot ng pagmamahal.
Pero Hindi ba't kapag ika'y umibig o nagmahal ay kaakibat na rin nito ang lungkot at saya, hirap at ginhawa, at sakit at pait?
Naalala ko tuloy.
Naalala ko tuloy tayo.
Nung sabay pa tayong tumatawa sa mga maliliit na bagay na ating pinagkakasunduan.
Noong sabay pa tayong umuwi galing sa eskwela tungo sa dating tagpuan.
Noong sobrang saya at kawalang paki-alam pa natin sa nangyayari sa ating paligid.
Noong palagi pa tayong nakasuporta sa isa't-isa sa lahat ng gawain, nakamatyag, nakatanaw sa gilid ng silid.
Sa kabila ng lahat ng saya na ating tinamasa,
Hindi pa rin nawala ang mga pagsubok sa buhay nating dalwa.
Naaalala ko pa noong sabay pa tayong lumalaban sa agos ng panahon.
Sabay na sumusulong sa mga pagsubok sa pagdaan ng mga taon.
Sabay na nangangako sa isa't-isa na hindi tayo bibitaw, tayo'y mananatiling nakatanaw, nagsisilbing gabay, ilaw, sa madidilim na sandali.
Ngunit.
Ngunit nagmistulan kang isang ibong nais kumawala sa kanyang hawla.
Mahal, minahal kita, mali, minamahal pa rin pala naman kita, ngunit sobra na. Tama na. Sa tingin ko'y dapat ko na yatang tapusin ang kahibangang ito.
Ang pagiging tanga sayo.
Hindi ako sundalo para ipaglaban ka pa, dahil alam ko ang halaga ko.
Isa akong prinsesang dapat inaalagan, iniingatan, Minamahal at hindi pinapabayaan.
Nangako tayo sa isa't-isa na Hindi tayo lilisan, hindi mo ako iiwan, hindi kita pagsasawaan.
Na sabay tayong lalaban, kahit ano pa man ang kahatnan.
Na habang ako itong sobrang saya sa tuwing kapiling kita,
Iyon ka't naka-tanaw sa kawalan,
Iniisip kung paano,
Paano nga kaya kung wala ako sa piling mo?
Paano kung Malaya kang makapili ng kung anong gusto mo?
Malaya sa mga haplos ko, Malaya sa mga bisig ko, malayang mahalin ang siyang nais mo.
Mahal, bago ko tapusin ang tulang laan para sa iyo, nais ko lamang iparating na
ang dating akala ko'y walang hanggan, nagkaroon na ng katapusan.
Kaya mahal, nagsimula ako sa isang kataga, tatapusin ko sa anim na salita.
Mahal, tapos na, Malaya ka na.
—words by: itsyssalyssa
0 comments