Paalam na sa pag-ibig na mag-isa ko lamang na binuo.


#HugotSnaPoetry

Nasaan ka na ba?
Malapit ka na ba?
Pakisabihan naman ako
Kasi maghihintay ako
Pipilitin kong maghintay sayo
Abutin man ako ng paglubog ng buwan dito
Hinding-hindi ako susuko
Kasi sa tingin ko
May patutunguhan naman pero malabo
Katulad ng mga mata kong malabo ang isang tulad mo
Isang tulad mong walang ginawa kundi paasahin ako
Isang tulad mong walang ginawa kundi saktan ako

Masakit masaktan ng paulit-ulit pero kakayanin ko
Kakayanin ko, para sayo.

Pero mahal, tandaan mo. tandaan mong napapagod din ako
Napapagod sa kakahintay sayo
Napapagod sa pagbibigay ng buong atensyon ko sayo
Kahit na palaging ipinararamdam mong wala akong halaga sayo
Nakakaloko
Kasi kahit anong pigil
Kahit anong awat ng utak ko sa puso ko
Nananaig pa rin ito

Pero katulad ng sinabi ko
Napapagod din ako

Ang hirap pangatawanan ng mga salitang binitawan ko sayo
Kung ikaw mismo ang nagiging dahilan kung bakit nagiging imposible ito
Kaya utang na loob
Diretsuhin mo na ko
Okay lang kahit masaktan ako
Kasi ayoko na
Ayoko nang maghintay sa katulad mo
                                                                            Natauhan na rin ako
Naawa na ako sa sarili ko
Mukha na pala akong ewan kahihintay sayo
Kaya habang sinusulat ko ang huling mga katagang gusto kong ilagay sa tulang ito
Tulang inaalay ko para sayo
Palalayain ko na ang sarili ko
Hindi na ko maghihintay pa sayo
Hindi na ko muling magpapaloko pa sayo
Kasi simula ngayon
Magsisimula na ulit akong maglakad
Maglakad palayo sayo
Na kahit masaktan pa ko
Kakayanin ko
Kasi hanggang dito nalang  talaga ako
Paalam na sa pag-ibig na mag-isa ko lamang na binuo.
                                                                               —kontinente

You Might Also Like

0 comments