Hanggang pangarap nalang ang makapiling ka.





"Sana"

By: LCJPT



Sana laging may ngiting nakapinta sa iyong mukha



Sana ay inaalagaan ka niya ng tama



Sana lagi kaniyang pinapatawa



Sana lahat ng sasabihin niya'y paninindigan niya



Sana hindi ka niya gawing tanga



Sana tanggap ka niya pati ang 'yong puso't kaluluwa



Sana hindi ka niya paiiyakin nang sobra-sobra



Sana hindi niya wasakin ang puso mong mahina



Sana hindi niya makita ang mali at manatili sa tama



Sana iparamdam niya lagi sayo kung gaano ka kahalaga



Sana sigurado na siya sayo, hindi yung baka, siguro o ata



Sana lahat ng pagsubok ay kayanin niyong dal'wa



Sana ipagmalaki ka niya sa lahat, sa kaibigan at sa pamilya



Sana hindi ka niya saktan, sa pagkakataong sabihin mong ayaw mo na



Sana lagi mo siyang katabi at hinding-hindi siya mawawala



Sana paka-ingatan niya ang lahat ng pangako niya



Sana huwag na huwag siyang magpabaya



Sana huwag siyang magbigay ng rason para tuluyang sumuko ka



Sana nariyan siya sa panahong mayroon ka o wala



Sana lagi niyang isipin ang kapakanan niyong dalawa



Sana ibigay niya sayo ang buong tiwala



Sana hinding-hindi siya magsawa



Sana hinding-hindi siya mapagod na mahalin ka



Sana ikaw lagi ang bukambibig niya



Sana suportahan ka niya sa lahat ng iyong ginagawa



Sana ang pag-ibig niyo'y hindi parang bula na sa isang iglap ay puwedeng mawala



Sana ang pag-ibig niyo'y hindi rin parang bulaklak na agad malalanta



Walang katapusang paghiling ko ng sana

Dahil oo sana sinabi ko na noon pa

Baka sakali magkaroon ng tayo sa mundo nating dalawa

Kaya lang huli na nga, wala na akong magagawa



Ngayong may kapiling ka ng iba

Tatanggapin ko na lang nang buong puso na hanggang pangarap na lang ang makapiling ka

Kaya hanggang sana na lang ako sa aking tula

Sana?



Sana.

You Might Also Like

0 comments