Kunwari hindi na kita mahal
#HugotSnapPoetry
"KUNWARI HINDI NA KITA MAHAL"
Magpapanggap nalang akong wala akong nakita. Kunwari okay lang, kunwari keme lang, kunwari hindi masakit.
Hindi ko nalang iisipin yung senaryong natunghayan ng aking mga mata.
Kung saan nakita ko kung paanong nagkapit ang mga kamay niyo.
Kung saan narinig ko ang matatamis at masasayang tawanan niyo. Hindi ko nalang iisipin ang lahat ng to.
Hindi ko nalang aalalahanin kung paano mo siya titigan sakanyang mga mata, kung paanong punong puno ito ng damdaming kahit hindi mo sabihin ay alam ko na ang nais iparating.
Kunwari hindi ko alam, kunwari wala akong alam.
Kunwari hindi ko alam na mahal mo na siya. Kunwari hindi ko alam na ang nakaupo na ngayon sa dating pwesto ko sa puso mo ay siya na. Siya na at hindi ako.
Kunwari... Hindi na kita gusto at hindi na ikaw ang mahal ko.
Kunwari wala akong pakielam sa mga nakikita ko. Kunwari hindi ko naririnig yung pagkabasag ng bawat piraso ng puso ko. Ako'y patuloy na magkukunwari hangga't kailangan mo pa ako.
Hangga't kailangan mo pa nang isang "ako" para man lang may maging parte pa ako sa buhay mo kahit na alam kong sa dulo ay ako parin ang masasaktan at matatalo.
Alam mo kung bakit? Kung bakit patuloy akong magtitiis? Kung bakit patuloy akong magkukunwari na hindi masakit?
Kasi mahal kita, mahal, higit pa sa salita. Higit pa sa kung anong kayang ipakita ng aking gawa. Mahal kita, na sa paraang pananatili sayong tabi kahit na malabo na ang salitang "tayo" ko nalang siya maipaparamdam.
Mahal kita, kaya't patuloy akong magkukunwari na hindi na ikaw ang laman ng puso ko, para sa ikaliligaya mo mahal ko.
Akda ni: Jan Emmanuelle Saet Paguntalan
0 comments