Mahal pa rin kita pero tanggap ko na.


#HugotSnapConfessions

Akala ko ok nako, akala ko hindi na masakit. Pero akala ko lang pala lahat, oo di pa talaga ako siguro naka move on, kase nasasaktan parin ako kapag nakikita ko mga pinopost mo, diko pa kayang tignan ng matagal mga pictures mo. 😞 Pinakawalan kita kase sabi mo gusto mo munang mag focus sa pag aaral at sa family mo, ayoko namang maging Hadlang sa pangarap mo. Tsaka hindi naman ako ganun ka selfish para hindi galangin ang disisyun mo. Nakakalungkot lang kasi isipin na, ikaw ok kana at naka move on kana. Halata naman kase sa mga pinopost mo. Ako eto, nagpapanggap na masaya, na ok nako. Na hindi na masakit, pero ang  totoo sobrang sakit parin. Alam ko makakapag move on din ako, dipa ngayon pero soon. Sana pagbutihin mo pag aaral mo, alam ko balang araw matutupad mo din yang mga pangarap mo kase matalino at masipag ka. Proud parin ako sayo☺

—Ms cutesize

You Might Also Like

0 comments