Gusto kong magkatotoo ang mga senaryong naglalaro sa isipan ko
Mahal Ko
Gusto kong magkatotoo ang mga senaryong naglalaro sa isipan ko,
pero ayoko na umasa, ayoko na magpakatanga, ayoko ng masaktan.
Sapagkat sawa na ako sa mga bagay na walang patutunguhan, walang kabuluhan.
Mahal, masaya ka na di ba?
Masaya ka na sa kanya.
Kaya naman ngayon ay hindi ko na kayo guguluhin pa,
pagkat ang kasiyahan mo ang aking mas inaalala.
Mahal, gusto kong yakapin ka, kapitan ka, at 'wag nang bitawan pa.
Pero alam kong ang mga bagay na iyan ay hindi ko na magagawa,
sapagkat ang mga kamay mo ay hawak na ng iba.
At sa iyong mga bisig ay may yakap-yakap ka na.
Mahal, lalayo na ako ha?
Tatalikod na ako, at hindi na muling lilingon pa.
Sapagkat ang titigan kayong dalawa ay hindi ko na kaya.
Kahit na minsan ang mga paa ko'y nanghihina,
kahit na natutuksong lumingon at salubungin ang iyong mga mata,
mahal ko, ako'y lilisan na.
Mahal, oo--- mahal pa rin kita.
Pero ang mag-hintay sa taong may mahal nang iba ay masakit at hindi ko na kaya.
Kaya naman nais ko lang ipaintindi,
na mahal, patawad, dahil ngayon, ikaw na lang ngayon ang mahal ko--- dati.
---Jan Emmanuelle Saet Paguntalan
0 comments