Marahil naging mundo kita, Magiging mundo karin naman ng iba.




GINULO KO, INAYOS MO, PINAGULO SA IBA



Iniwan ko ang mundong ko na kung saan ako lang mag isa,
Iniwan ko to para ikaw ay makasama,
Sinubukan kong magpakatino,
Pero bakit ikaw parin ay nawala,

Mga panahon na sinayang,
Sinayang sapagkat sayo nilaan,
Mas pinili ko pang lumipad kasama ka,
Kesa manatili sa aking lupang tinatapakan,

Mas pinili mo pa na iwan ako,
Kesa sabayan ang hangin kung saan to patungo,
Sinasamahan kita sa lugar na gusto mong puntahan,
Pero mag isa akong bumabalik sa aking pinanggalingan,

Tama bang inibig kita,
Sa panahon masaya na akong mag isa,
Tama bang pinasok ko ang mundo mo,
At iniwan ko ang akin at ang sayo ang ginulo,

Kaya't simula nung tinaboy mo ako sa mundo mo,
Sa mga panahon na yun dun ko lang napag tanto,
NA KAHIT GAANO IPAGULO SAYO ANG MUNDO NYA,
AAYUSIN NYA PARIN ITO PARA IPAGULO NAMAN SA IBA.

Submitted by: John Ramos

You Might Also Like

0 comments