Tamang pag-ibig, maling panahon





Tamang pag-ibig, maling panahon

Yan na ata ang pinakamasakit na kombinasyon

Bagay na tila walang solusyon

Dahil tadhana na mismo ang nag desisyon



Kay tagal kong naghintay para sa tamang tao

Pero bakit ganito?

Ano ba ang nagawa ko?



Kung kailan handa na ako

Kung kailan nakapag desisyon na ako

Kung kailan binuksan ko na ang aking puso

Doon naman nagsara ang mga pinto



Napalitan ng sana ang lahat ng saya;

Sana ako na lang

Sana ikaw na lang

Sana tayo na lang dalawa...



Tayo na kahit kailan di magkakatotoo

Tayo na hanggang sa panaginip na lang magtatagpo

Tayo na parehas din namang talo

Tayo na sa una pa lang nakita na ang dulo



Pero kahit papaano'y umaasa pa rin ako

Na sana'y di pa dito magtapos ang lahat ng ito

Naniniwala pa rin ako na aayon din ang sitwasyon

Di man ngayon pero sa tamang panahon.



—Ken

You Might Also Like

0 comments