Guard your heart at all times and absorb this:
Sobrang dali lang magbigay ng motibo, magsabi ng mga magagandang salita, at magpanggap na mahal ka kahit hindi naman talaga. They will always say the things that you can't resist but it's hard work maintaining true love. Madaling magsimula ng relasyon pero maintaining it will take intergrity, commitment, respect, love, faithfulness, loyalty, consistency, and most of all love of God.
Avoid settling for less kasi hindi mo yan kailangan, no one needs it, you deserve better than this. Self love is a must para hindi ka maging marupok and always aim for LABEL. Kapag hindi label at commitment ang target niya, say NO. If that relationship is going no where, at hindi sa kasalan ang punta throw it away.
Oh baka naman sabihin mo na naman, "madaling sabihin mahirap gawin?". What's your excuse pa ba? Look where you are now because of your what ifs and excuses. Sige isipin mo.
By: IJ Merza
#HugotSnapPoetry
ITO NA ANG HULING YUGTO NG TULA KO PARA SAYO
mahal mabilis lang pala
Gaya ng pagbigkas mo na may iba na
At pagkagapos ko sa oras na wala na talaga
Hanggang sa paghagulgol kasi sabi mo huli na pero baka pwede pa
Ilang buwan narin ang nakalipas diba?
Hindi mo na ba naaalala?
Sinuko mo na ba talaga?
Pag-usapan naman natin ulit baka may magagawa pa
Alalahanin mo naman ung pariralang TAYO PA
Pwede bang kalimutan mo kahit sandali na
KAYO NA?
Sige nanaman oh, balikan mo naman ung alaala na AKO PA
Pero mahal kung wala na talaga 'wag mo naman sakin ihalik ang salitang TAMA NA
Sa mga larawan mo ngayon na may SYA NA
'Bat kailangan mo 'kong durugin sa sakit ng pagtulak na may IBA PA
Sa pagbulong mo ng mga katagang MASAYA KANA
Paano naman ang pagkabigti ko noong iwanan mo ko ng salitang BAHALA NA
Matapos Kong maaabo dahil sa pagmamahal ko sayo
Bakit ang bilis mong sinuko ang mga pangarap na may TAYO?
Nasaan na ang parte na nagkaroon ng AKO?
Ibibitin mo nanaman ba ko sa pagbigkas mo ng EWAN KO?
Saan ba ko nagkulang?
Alam mo ba ang sakit ng iwanan sa gitna ng nakamamatay na ilang?
Bakit ba ang dali na sayong maging manhid at isigaw ang WALA KA NALANG
Ngunit mahal, sa kabila ng sakit
Hayaan mo ko na sa huling pagkakataon sabihin sayo na minahal kita sa kabila ng pait
Sa pagkabaon ko sa hukay ng ating kahapon na sadyang nakakapang liit
Pakiusap ibaon mo naman ang huling yugto ng tula ko para sayo dahil ito na ang huling alala ng pagmamahal ko sayo na kailan man ay di naging PILIT
—John Ramos
#HugotSnapPoetry
Ako nga ba ang tanga o ikaw?
Tanong na hanggang ngayon ay di ko pa nasasagot, Tanong na lumiligalig lagi sa utak ko. Ako nga ba ang tanga? Ako na di naman nagkulang at ibinigay ang lahat ng aking makakaya, Yung tipong umabot sa puntong di ko na naiisip ang sarili ko. Yung ikaw nalang lagi ko inaalala. Yung mga panahon na isinantabi ko ang meaning ng kantang "Love yourself" ni justine bieber. Mga sandali na halos malunod ako sa kawalan ko ng pake sa aking sarili. Ako nga ba? O ikaw ang tanga? Dahil nagawa mo kong iwan ng dahil sakanya. Ipinagpalit mo ang mahabang taon natin na magkasama. Mga segundo, minuto, oras, araw, linggo, buwan at taon na pinagpalit mo sa panandaliang saya at sarap. Nilimot ang lahat ng magagandang bagay na nagawa ko sa buhay mo, buhay mo na binigyang halaga at kulay ko. Pero wag kang mag-alala mahal, Tapos na ko. Hindi na ko mangungulit pagkat pagod na ko. Di man masagot mga katanungan ko. Sapat na ang ilang taon na alam kong napasaya kita, napasaya natin ang isa't-isa. Sige na, Patuloy mo lamang akong limutin at pangako ko sayo. Magagawa ko din.
—Bern Ulang
Siguro nga ganun kita kamahal..
Siguro nga ganun kita kamahal,
Yung tipong kahit hindi tama
pinilit ko maging tama.
Siguro nga ganun kita kamahal
Yung tipong kahit nagmumukha akong tanga sa iyong harapan
pinilit ko parin ang sarili ko sa iyo
dahil ang tanging nais ay bumalik ka lamang.
Siguro nga ganun kita kamahal
na kaya kong kalimutan
ang sarili ko para sayo.
Yung tipong umiiyak ako gabi-gabi
dahil umaasa ako isang araw
na sasabihing mong mahal mo ako.
Yung tipong hindi ako makakain
kasi lagi kong iniisip at natutulala bigla.
At sasabihin ang katagang.
"Kamusta na kaya siya? Kumain na ba siya? Masaya ba siya?"
Siguro nga ganun kita kamahal
na kaya kong gawin lahat para sa iyo.
Pero Mahal,
itatanong ko lang sayo
ganun mo rin ba ako kamahal?
Alam kong ayaw mo na
at sinabi na pakawalan na kita.
Pero mahal,
alam mo bang masakit parin
dahil ang mga katagang mahal na mahal kita
ang katagang aking pinanghawakan at hindi malilimutan,
pero mahal,
ang pinakamasakit sa lahat
ang katagang iyon, ay iyo ng kinalimutan.
Ilang linggo,
ilang buwan na ang nakalipas
pero mahal,
Ang puso ko, ikaw pa rin ang nais.
Siguro nga mahal ganun kita kamahal
kasi itong puso ko na ilang buwan kang hindi nakita
bigla na lamang tumibok nang muli kang nakita.
Pero mahal,
ganun nga siguro kita kamahal,
nahahayaan ko ang sarili ko
na makita ka mula sa malayo
na masaya kaysa pilitin pa ang aking sarili sayo
na alam ko ang katagang iyong paulit-ulit na sasabihin ay
"tama na" at "ayoko na."
kaya siguro nga, ganun kita ka mahal
na mas pinili ko ang iyong kaligayahan
kaysa sa pansarili kong kaligayahan.
Siguro nga ganun kita kamahal.
Babe? Mahal na mahal kita
pero ganun nga siguro kita kamahal
na pipilitin ko kalimutan at palayain ka
dahil alam ko ito ang magiging dahilan upang maging masaya ka.
Ms. RAR.
Noong iwan kita,
Akala ko ako'y magiging masaya,
Akala ko ako'y magiging malaya
Noong iwan kita ,
Akala ko, agad akong makakahanap ng iba,
Akala ko, ako'y handa na muling magmahal ng higit pa sa aking inakala
Noong iwan kita,
Akala ko, ako'y makakahanap ng higit pa sayo,
Na handang ibigay lahat dahil yun ang aking gusto
Noong iwan kita,
Akala ko, ayos na
Akala ko, makakalimutan din agad kita
Pero mahal ako ay nagkamali,
dahil sa desisyon na aking pinili, ako ang nalugi
Nagkamali akong ikaw ay pakawalan,
Para lamang sa panandaliang kalayaan na aking nagustuhan
Nagkamali akong ikaw ay palayain,
Upang maramdaman ko sa iba kung pano ang mas higit na mahalin
Noong gabing iwan kita,
Akala ko kaya ko na
Akala ko kaya ko ng wala ka
Akala ko nakalimutan na kita
Pero lahat yun,
akala ko lang pala
Kaya ngayon mahal, ako ay
nag-sisisi,
Umaasang ako ay mamahalin mo muli,
At nangangarap na sana,
bumalik na tayo sa dati
Alam kong hindi ganoong kadali,
Pero lahat ay handa kong gawin,
Wag ka lang ulit mawala sakin
—Queen C
#HugotSnaPoetry
Nasaan ka na ba?
Malapit ka na ba?
Pakisabihan naman ako
Kasi maghihintay ako
Pipilitin kong maghintay sayo
Abutin man ako ng paglubog ng buwan dito
Hinding-hindi ako susuko
Kasi sa tingin ko
May patutunguhan naman pero malabo
Katulad ng mga mata kong malabo ang isang tulad mo
Isang tulad mong walang ginawa kundi paasahin ako
Isang tulad mong walang ginawa kundi saktan ako
Masakit masaktan ng paulit-ulit pero kakayanin ko
Kakayanin ko, para sayo.
Pero mahal, tandaan mo. tandaan mong napapagod din ako
Napapagod sa kakahintay sayo
Napapagod sa pagbibigay ng buong atensyon ko sayo
Kahit na palaging ipinararamdam mong wala akong halaga sayo
Nakakaloko
Kasi kahit anong pigil
Kahit anong awat ng utak ko sa puso ko
Nananaig pa rin ito
Pero katulad ng sinabi ko
Napapagod din ako
Ang hirap pangatawanan ng mga salitang binitawan ko sayo
Kung ikaw mismo ang nagiging dahilan kung bakit nagiging imposible ito
Kaya utang na loob
Diretsuhin mo na ko
Okay lang kahit masaktan ako
Kasi ayoko na
Ayoko nang maghintay sa katulad mo
Natauhan na rin ako
Naawa na ako sa sarili ko
Mukha na pala akong ewan kahihintay sayo
Kaya habang sinusulat ko ang huling mga katagang gusto kong ilagay sa tulang ito
Tulang inaalay ko para sayo
Palalayain ko na ang sarili ko
Hindi na ko maghihintay pa sayo
Hindi na ko muling magpapaloko pa sayo
Kasi simula ngayon
Magsisimula na ulit akong maglakad
Maglakad palayo sayo
Na kahit masaktan pa ko
Kakayanin ko
Kasi hanggang dito nalang talaga ako
Paalam na sa pag-ibig na mag-isa ko lamang na binuo.
—kontinente
#SpokenWordPoetry
Bakit
Bakit ikaw pa?
Bakit ikaw pa ang nagpapasaya sakin?
Bakit ikaw pa ang bumubuo sakin?
Bakit ikaw pa ang hinahanap hanap ko?
Ikaw yung taong nagpapasaya, at bumubuo sakin.
Pero ikaw rin ang rason kung bakit ako nasasaktan.
Mahal kita. Pero bakit parang may galit sakin ang tadhana?
Masaya na ako. Masaya na 'tayo'.
Oo nga pala. Walang tayo. Sayo na nangaling na kaibigan lang talaga ako.
Ikaw yung uri ng tao na kahit na sakit lamang ang idinudulot sakin e patuloy ko pa ring pinaglalaban. Ikaw yung uri ng tao na napakahirap kalimutan. Ikaw yung uri ng tao na mahirap bitawan kahit walang pinangkakapitan. Ikaw yun.
At ako naman yung uri ng tao na madaling isuko. Ako yung uri ng tao na napakadaling kalimutan. Ako yung uri ng tao na madaling bitiwan. Ako yun.
Hanggang asa na nga lang ba talaga ako?
Aasa na mahal mo din ako.
Kahit na alam ang katotohanan, patuloy pa ring nagpapakasaya sa isang kasinungalingan.
—friendzoned
©ctto
#HugotSnapPoetry
Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin
Ano nga bang nangyari?
Na kahit ilan taon nang lumipas,
Sigaw ng puso'y ikaw pa rin.
Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam.
Anong nangyari, bakit ako'y iniwan?
Na ang dating masaya, ngayo'y wala na.
Saan nga ba patungo itong nararamdaman ko?
Hindi ko alam kung bakit,
Ang bilis mong makalimot,
Naiintidihan ko, iintindihin ko.
Sisiguraduhin kong ako din, makakalimot.
Handa akong pagbigyan ka at ang tadhana.
Ako'y pansamantalang tatahimik at magdarasal,
Na sana, lahat ng ito'y maintindihan ko.
Sisiguraduhin na tama na ang lahat.
Hanggang dito na lang tayo.
Ang dating tayo, wala na talaga.
Naiintidihan ko, hindi na talaga pwede.
Sana'y ikaw ay masaya, dahil ako din, magiging masaya para sayo.
- anonymous
#HugotSnapPoetry
"KUNWARI HINDI NA KITA MAHAL"
Magpapanggap nalang akong wala akong nakita. Kunwari okay lang, kunwari keme lang, kunwari hindi masakit.
Hindi ko nalang iisipin yung senaryong natunghayan ng aking mga mata.
Kung saan nakita ko kung paanong nagkapit ang mga kamay niyo.
Kung saan narinig ko ang matatamis at masasayang tawanan niyo. Hindi ko nalang iisipin ang lahat ng to.
Hindi ko nalang aalalahanin kung paano mo siya titigan sakanyang mga mata, kung paanong punong puno ito ng damdaming kahit hindi mo sabihin ay alam ko na ang nais iparating.
Kunwari hindi ko alam, kunwari wala akong alam.
Kunwari hindi ko alam na mahal mo na siya. Kunwari hindi ko alam na ang nakaupo na ngayon sa dating pwesto ko sa puso mo ay siya na. Siya na at hindi ako.
Kunwari... Hindi na kita gusto at hindi na ikaw ang mahal ko.
Kunwari wala akong pakielam sa mga nakikita ko. Kunwari hindi ko naririnig yung pagkabasag ng bawat piraso ng puso ko. Ako'y patuloy na magkukunwari hangga't kailangan mo pa ako.
Hangga't kailangan mo pa nang isang "ako" para man lang may maging parte pa ako sa buhay mo kahit na alam kong sa dulo ay ako parin ang masasaktan at matatalo.
Alam mo kung bakit? Kung bakit patuloy akong magtitiis? Kung bakit patuloy akong magkukunwari na hindi masakit?
Kasi mahal kita, mahal, higit pa sa salita. Higit pa sa kung anong kayang ipakita ng aking gawa. Mahal kita, na sa paraang pananatili sayong tabi kahit na malabo na ang salitang "tayo" ko nalang siya maipaparamdam.
Mahal kita, kaya't patuloy akong magkukunwari na hindi na ikaw ang laman ng puso ko, para sa ikaliligaya mo mahal ko.
Akda ni: Jan Emmanuelle Saet Paguntalan
ISANG GABING KALOKOHAN
Pinagtagpo ngunit hindi itinadhana.
Pinagtagpo.. Ngunit.. Hindi itinadhana..
Paulit ulit tumatakbo sa isip ko
kung paano, bakit, ano
ang dahilan ng ating pagtatagpo.
Ito ba ay sensyales?
O ang tadhana talaga ay sadyang mapaglaro?
Isang gabing kasiyahan ngunit isang malaking kalokohan.
Tuwa, Saya, Galak ang pumupuno sa bawat isa ng gabing 'yon.
Gabing, ayaw ko na matapos at ayaw makita ang mga sinag ng araw na nagsasabing tapos na.
Tapos na.
Tapos na ang bilang na oras para sa ating dalawa.
Tapos na ang isang gabing tuwa.
Tapos na.
At hindi ko alam kung mauulit pa.
Umaasa?
Oo! Umaasa akong makitang muli ang iyong mga nakangiting mata.
Na muling makausap ka at sabihing gusto kita.
Bumubulong na lamang ako sa mga tala na "sana isa pa"
Dahil kulang!
Kulang na kulang ang isang gabi
para sa 'ting dalawa.
Ngunit sobrang galak
dahil sa isang gabing 'yon nakilala kita.
Pero kasabay ng isang di malilimutang gabi
Ay ang pusong sawi.
Pusong naiwan sa taas, sobrang taas.
Ni hindi alam kung pano, kung pwede, kung dapat bang saluhin.
Pero bukas naman ang aking mga matang..
Hindi!
Hindi maaari!
Sinasaktan ko lamang ang aking sarili.
Sino ba ako?
Sino nga ba ako?
Hahaha!
Natatawa na lamang ako sa imahinasyon na ako lamang ang bumubuo,
Imahinasyon na kahit kelan di magiging buo at totoo.
Dahil malabo.
Dahil kahit anong ikot ng mundo,
Walang posibilidad.
Pano ka nga ba tataya sa isang sugal kung alam mong una palang talo ka na?
Pano ka nga ba lalaban kung una pa lang wala ka ng armas at sandata?
Pano ka nga bang magugustuhan kung alam mo sa sarili mong wala ka at hindi mo kailanma'y mabibigay ang gusto niya.
Pero Salamat!
Salamat dahil sa isang gabi na alam kong isang kalokohan,
Pinaramdam mo sakin kung pano maging mahalaga.
Salamat, ngunit ito'y tapos na.
At hindi na mauulit pa, dahil umaga na.
—BRNSHWDMRT07
#SpokenWordPoetry
How do I forget,
when all I remember is you and your smile?
How do I start over,
if it’s not with you?
How can I forget you?
You were all I wanted.
You were the best, you made my heart race.
I still wonder how your hug would feel like.
I still wonder how warm your hand would be, holding mine.
I still wonder how bored we’d be if we were on a long drive.
I still wonder how many restaurants we’d check off our bucket lists.
I still wonder how we’d spend an hour just sitting at a bench, people watching.
I still wonder how you felt about me.
I know my place.
I know I’m only a friend.
I know you never felt the same about me.
I know you never even considered me. I was only a friend.
But if being a friend meant that I get to keep you,
I would forever choose to be just your friend.
But you chose to let me go.
The friendship is gone, and so are you.
I guess, I never meant anything to you.
I guess, I was just a passerby.
I won’t get mad, I am not even sad.
Just let me know, how do I forget you?
How do I let you go?
How do I stop?
How do I even start again?
How do I move on?
How do I make my mind forget you?
You were all I wanted. You were the perfect one.
But “perfect” is not even real.
You are the best dream I ever had.
You left without even a trace.
I’ll always think of you,
because that is where you belong,
in my head.
And soon, I’ll forget you.
- anonymous
"Paalam"
isang salitang ayaw nating bitawan sa isa't isa. Ngunit kailangan upang puso'y malinawan
sa sakit at hapding nararamdaman.
Pag-ibig na akala nating walang katapusan
ay natapos ng dahil sa isang salita lamang.
Paalam isang salitang masakit
ngunit kailangang tanggapin para sa mas ikabubuti natin.
Ito na ba ang katapusan o isa pa lamang simula.
Ang malinaw sakin ay sa bawat pag-alis ng taong mahal natin
ay may bagong taong darating upang magbabalik ng saya at ngiti sa ating mga labi."
—Richard De Guzman
#SpokenWordPoetry
"Halaga"
Ano nga bang halaga ko sayo?
May halaga nga ba ako?
O nagkahalaga nga ba talaga sayo?
Ang daming tanong ang nasa isip ko,
Pero dapat ko nga bang itanong ang mga ito?
Dahil kahit papano ramdam ko naman na pinahalagahan mo ako.
Di nga lang ako sigurado kung hanggang ngayon may halaga parin sayo.
O baka di naman totoo?
Baka kasi ramdam ko lang?
Mahirap na kasing mag tiwala kahit sa sariling pakiramdam.
Ayokong isipin na di totoo.
Ayoko ding isipin na laro lang tayo.
Dahil ayokong matapos tayo ng ganto.
Oo nga pala....
May tayo nga ba?
O imahinasyon ko lang ang "tayo"?
"Tayo" na masaya.
"Tayo" na laging magkasama.
At "TAYO" na mahal ang isa't-isa.
Ano nga ba ko sayo?
May halaga nga ba ako sa buhay mo?
O laro lamang ang lahat ng ito?
Sana linawin mo.
Para alam ko kung saan ako lulugar sa buhay mo.
—Ms. R 🌸
Hindi ko alam kung paano o kailan
Ngunit ito'y nasimulan
Pag-ibig na waring hindi na mapigilan
Bawat araw ikaw ang nasa isip
Bawat gabi ikaw ang panaginip
Para bang ang isip ayaw bumitaw sa iyong bisig
Ngunit ngayon ang tanging nais ay kalayaan mula sa sakit ng iyong pagibig
Sa simula pa lamang alam ko na wala patutunguhan
Dahil di mo ako magawang ipaglaban
Ngunit pagmamahal ko sayo'y di mapigilan
Pero Bakit nga ba kita minahal? Kung puro sakit at lumbay lang ang dulot ng iyong sinasabing pagmamahal.
Paano nga ba naging ganito ang lahat? Paano umabot sa ganito ang lahat?
Bakit kalayaan mula sayo ay mailap
Hanggang kelan ko makakayang tanggapin ang pangakong palaging sumasama sa hangin
Ipaglaban ang ating pagiibigan ang tanging hindi mo kayang gawin
Bakit habang tumatagal lalong nasasabik sayong pagmamahal wari'y ayaw bumitaw sa sakit na nararamdaman, bakit nga ba ang tao kapag nasasaktan mas lalong kumakapit sa sakit ng pagmamahal
Ayaw palayain ang sarili sa rehas ng maling pag-ibig
Wari'y naaadik sa pagmamahalang dulot lamang ay sakit
Kalayan lamang ang nais ko sa pait ng pagibig na ito
Nang aking matamasa ang nararapat sa walang kapantay na pagmamahal na aking kayang ibigay.
Aking ipgdarasal tunay na kalayaan mula sa taong ipinahiram lamang ng mapaglarong kapalaran.
Words by:aiyetot (Aiye Manalang)
"Bagong ako"
Unang Kita ko palang sayo
Alam kong iba na ang nadarama ko.
Mga ngiti mo ay parang palaging bago.
pati tuloy ngiti ko ay katulag ng sayo.
Nagulat ako ng ako'y pinansin mo
Di makapaniwala ang isang katulad ko.
dahil tinimaan na ata ako
ngunit parang hindi ako sigurado
Naging mag kaibigan tayo
nguit sabi mo mahal mo na ako
Di nag tagal niligawan mo ako
At di rin ng tagal naging tayo
Ang bilis mag karoon ng tayo
Sabi nilay mabilis din mag lalaho
ngunit sabi ko mahal mo ako
kaya naniniwala ako sayo.
Tama sila tama sila iniwan mo rin ako
Ang bilis mo mag bago
ngnuit Nagtakaka lng ako
minihal mo b tlga ako?
Sa tuwing nakikita ko ang muka mo
inis ang nadarama ko
ngunit sabi ko ay kaya ko
kahit na ako'y niloko mo
Salamat sayo dahil natuto ako
natuto ako hanapin ang sarili ko
mahalin kung ano man ang ako
panigurado Hindi na ulet ako maloloko.
—Monna Aberin
Parang kailan lang napakasaya natin
Ngunit ganto yata talaga ang takbo ng mundo natin
Lahat ng masakit ay nangyayari
Sadyang napakabilis ng mga pangyayari
Sa isang kisap nagbago ang lahat
Nawala ang lahat
Kung minahal ng walang dahilan
Iniwan din ng walang dahilan
Ang daya mo dahil masaya ka
Sana sa umpisa pa lang sinabi mo na
Sana nakapaghanda ako
Sa larong gusto mo
Words by: clittlebabygirl
"Nalilito"
Hindi ko alam kung saan ako lulugar.
Teka may lugar nga ba ako...sa iyo?
Wala naman diba kasi wala namang tayo.
Pwede bang pag-usapan natin to?
Paki-linaw naman oh? Gulung-gulo na kasi ako.
Para akong isang porsyentong tao siyam na pu't siyam na porsyentong nalilito.
Hindi naman kita maaaring pigilan sa mga gagawin mo.
Hindi naman kita pwedeng pagbawalan sa mga gusto mo.
At syempre ganun ka rin sa akin kasi nga wala namang tayo.
Pero sana alam mong may pakialam ako sa iyo 'no?
Sana alam mo rin na yung pagmamahal ko sa iyo totoo.
Bakit ba ako nagkakaganito?
Eh kasi sinabi mo lang naman na mahal mo din ako.
Nakalipas ang ilang linggo ok naman tayo. Bakit ba bigla nalang naging ganito?
Gawin mo lahat ng gusto mo huwag kang mag-alala hindi naman kita pagbabawalan.
Bakit ko naman yun gagawin wala naman akong karapatan?
Yung ganitong klase, hindi ko alam kung seryosohan o landian pero wala na akong inaasahan.
Kasi wala naman kasiguraduhan kung pangmatagalan o panandalian.
Parang sa kanta lang.
Nahihilo... Nalilito...
Nahihilo ako dahil hindi ko mawarian kung saan ang lugar ko.
Nalilito ako dahil hindi ko alam kung ano nga bang meron tayo.
-Camille Joy Casinsinan
Habang tayo ay magkausap
Kinikilig mag isa sa isang dahilan
Mag kausap kami ng taong mahal ko
Akala ko nasa kawalan na ko
Pero akoy mali
Dahil biglang nagbago ang lahat
Ikaw ay naging malungkot
At ako ay nasaktan
Dahil sa dalawang dahilan
Yung mahal niya ang pinaguusapan namin
At
Yung mahal niya
Hindi naman siya mahal
Kaya mahal ko,
Tatapusin ko tong tulang to
Sa tatlong dahilan kung bakit
Bakit hindi ako lilisan sa iyong tabi
Una, dahil ayaw kong maramdaman mong walang nagmamahal sayo
Pangalawa, dahil ako lang ang hindi mang iiwan sayo
At pangatlo, dahil mahal kita kahit hindi mo ko mahal.
—-clittlebabygirl
More on: https://instagram.com/hugotsnap
#SpokenWordPoetry
PAALAM
Masaya pa tayo nu'ng binubuo mga pangarap natin,
Hinuhulma ang bukas na kasabay nating haharapin
Dinadama ang pag-ibig na nanalaytay sa bawat salitang iyong pinapakawalan
Pagmamahalang sa buong mundo'y pinagsisigawan.
Tulad ng isang halaman sa disyerto'y unti unting nalanta
Nawalan ng ningning at kulay ang pagsasama
Ngunit gayunpaman Hindi ko inalintana
Ninais pasiglahin, umasang maibabalik pa.
Sa paglipas ng buwan at wari'y mga taon
Halamang binubuhay ng pait ng kahapon
Hindi namalayang sa pagharap sa mga hamon
Patuloy sa panlalagas kanyang mga dahon.
Ang dating pangakong laging inuusal
Tila isang bulang naglaho ng lubusan
Halakhak na tanging ikaw ang dahilan
Napaltan ng luhang Hindi matatawaran.
Pagmamahal na dati ay pinagsisigawan
Ngayo'y paos na tinig doon sa kawalan
Mga alaala'y laging nagsasalimbayan
Wari'y ayaw ka pang lubusang bitawan.
Sa higpit ng kapit ko di ko namalayang
Ako pala'y matagal mo ng binitawan
Hinihintay mo lamang na ako ay mapagal
Kusang magpalaya at sumuko sa laban.
Pagsuko, salitang Hindi ko dati alam
Pagkat para sa akin ito ay karuwagan.
Ngunit ito pala ang tunay na katapangan
Tanggapin na wala ka na at sayo'y magpaalam.
Paalam sa mga taong ating pinagsamahan
Gayundin sa sakit na aking nararamdaman
Paalam sa iyo lubos kong minahal
Regalo sa bawat isa ngayon ay KALAYAAN.
-fhei
#HugotSnapPoetry
"Hindi ako siya."
Mahal, hindi ako siya, at hinding-hindi ako magiging siya.
Hindi ako siya dahil alam kong mas mahal mo siya.
Siya na ang tanging ginawa ay ang pakawalan ka.
At ikaw naman na ang tanging isinukli ay ang pahalagahan at alaagan siya.
Kaya nga't ako itong isang mangmang na sinubok na mahalin ka kahit alam kong siya lang ang iniibig mo't sinisinta.
Hindi ako siya, dahil ako ang nasa tabi mo sa tuwing lumilipad ang utak mo patungo sa isang mundong kayo lang ang pinagtatagpo.
Ako ang kasama mo sa tuwa at pighating iyong tinatamasa, dahilan ng kanyang paglayo.
Ako ang kasama mo sa tuwing akala mo'y ikaw na lang ang nag-iisang tao sa mundo. Tagapunas ng iyong luha, tagapalis ng iyong hinanakit dulot ng kanyang di pagkapit.
Giliw, mangangako ako, sana'y masuklian mo.
Pangakong hindi kita iiwanan, na hinding-hindi kita susukuan.
Pangakong ako'y hindi magdaramdam basta ba't ika'y laging magpaparamdam.
Pangakong hindi ako bibitaw, sabay tayong sasayaw sa himig ng ating mga pusong iisa ang pintig.
Pangakong mananatili ako sa iyong tabi kahit na iba ang hinihiling mong makatabi.
At Mahal, pangakong iibigin kita, kahit na mahirap, at kahit na ang sakit-sakit na.
Lahat ng ito'y iisa lamang ang puno't-dulo. Nais ko sanang malaman mo, na iba ako sa pinipilit mong maging ako. Dahil kahit kailan, mahal, hinding- hindi ako magiging katulad ng nakaraan mo.
Ngunit iyong pakatandaan na kaya ko pang magtiis, kaya ko pang kumapit, basta't sanay huwag mo ng ipilit.
Mahal, hindi ako siya, at kahit kailan hinding-hindi ako magiging siya dahil ipinapangako ko, itaga mo pa 'to sa bato, minahal, minamahal, at mamahalin kita ng higit pa sa dapat mong tinatamasa.
Muli'y nangangako ako, sana'y masukilian mo.
Words by: itsyssalyssa (Alyssa Manalang)
#HugotSnapPoetry
"Kalayaan"
Bago ko simulan ang tulang laan para Sayo, nais ko munang maglaan ng isang kataga. Kalayaan.
Kalayaan. Maraming kahulugan, halimbawa, o uri ang kalayaan.
Maaaring kalayaan mula sa mga mananakop noong unang panahon,
Kalayaan mula sa terror mong guro o propesor,
Kalayaan sa Gera ko pakikidigma, o maaaring Kalayaan mula sa armalight na bibig ng iyong ama at ina.
Pero sa mga kabataan sa panahon ngayon,
Maaaring ang karaniwang minimithi at naisin ng mga ito Ay ang kalayaan mula sa isang relasyong hindi mo na kayang tagalan o pangatawanan.
Marahil ang dahilan ng iba'y nasasakal na sila,
O na hindi na nila matagalan ang ugali ng isa't-isa,
Habang ang iba nama'y sasabihin ay ayaw na nilang makadama pa ng sakit at pait na dulot ng pagmamahal.
Pero Hindi ba't kapag ika'y umibig o nagmahal ay kaakibat na rin nito ang lungkot at saya, hirap at ginhawa, at sakit at pait?
Naalala ko tuloy.
Naalala ko tuloy tayo.
Nung sabay pa tayong tumatawa sa mga maliliit na bagay na ating pinagkakasunduan.
Noong sabay pa tayong umuwi galing sa eskwela tungo sa dating tagpuan.
Noong sobrang saya at kawalang paki-alam pa natin sa nangyayari sa ating paligid.
Noong palagi pa tayong nakasuporta sa isa't-isa sa lahat ng gawain, nakamatyag, nakatanaw sa gilid ng silid.
Sa kabila ng lahat ng saya na ating tinamasa,
Hindi pa rin nawala ang mga pagsubok sa buhay nating dalwa.
Naaalala ko pa noong sabay pa tayong lumalaban sa agos ng panahon.
Sabay na sumusulong sa mga pagsubok sa pagdaan ng mga taon.
Sabay na nangangako sa isa't-isa na hindi tayo bibitaw, tayo'y mananatiling nakatanaw, nagsisilbing gabay, ilaw, sa madidilim na sandali.
Ngunit.
Ngunit nagmistulan kang isang ibong nais kumawala sa kanyang hawla.
Mahal, minahal kita, mali, minamahal pa rin pala naman kita, ngunit sobra na. Tama na. Sa tingin ko'y dapat ko na yatang tapusin ang kahibangang ito.
Ang pagiging tanga sayo.
Hindi ako sundalo para ipaglaban ka pa, dahil alam ko ang halaga ko.
Isa akong prinsesang dapat inaalagan, iniingatan, Minamahal at hindi pinapabayaan.
Nangako tayo sa isa't-isa na Hindi tayo lilisan, hindi mo ako iiwan, hindi kita pagsasawaan.
Na sabay tayong lalaban, kahit ano pa man ang kahatnan.
Na habang ako itong sobrang saya sa tuwing kapiling kita,
Iyon ka't naka-tanaw sa kawalan,
Iniisip kung paano,
Paano nga kaya kung wala ako sa piling mo?
Paano kung Malaya kang makapili ng kung anong gusto mo?
Malaya sa mga haplos ko, Malaya sa mga bisig ko, malayang mahalin ang siyang nais mo.
Mahal, bago ko tapusin ang tulang laan para sa iyo, nais ko lamang iparating na
ang dating akala ko'y walang hanggan, nagkaroon na ng katapusan.
Kaya mahal, nagsimula ako sa isang kataga, tatapusin ko sa anim na salita.
Mahal, tapos na, Malaya ka na.
—words by: itsyssalyssa
#SpokenWordPoetry
Hayan na naman ang mga ngiti mo,
Buo'ng giliw mo'ng ibinibigay.
Kung kaya heto na naman ang ako,
Palihim na kinikilig sa'yo.
Araw-araw kita'ng kasama,
Madalas na ako'y nilalambing mo.
Ang puso ko ngayo'y umaasa,
Baka posible sa atin ang 'TAYO'.
Iniisip ko ba'y iniisip mo rin?
O baka ako lang ang nag-iilusyon?
Damdamin ko ba'y damdamin mo din?
Nahihirapan ako'ng mag-desisyon.
Sa bawat ngiti,nalilinlang ako.
Sa mga paglalambing,nalilito ako.
Paano naman ang puso ko?
Saluhin mo naman sana ako.
—Love ni Baymax
#SpokenWordPoetry
Naghintay ako
Nag-iisa,nakatulala
di malamam kung ikay darating pa
nabilang ko na lahat ng dumaraan
nagbabakasakaling ikay mapadaan
Ngunit akoy tao din
napapagod at naiinip
kaya pasensya ka na
kung sa pagdaan moy wala na ako
Hindi mo man ako nasilayan
pero naghintay ako
umuulan man o umaraw
gumabi o matapos ang araw..
Naghintay ako
sayo sinta
siguro nga hindi ayon sa atin ang tadhana
dahil sa aking pag-alis ay iyo namang pagdating
Hindi mo man ako naabutan
darating din araw na tayo'y
muling magkikita
at siguro sa ating muling pakikita'y
isa sa atin ay mayroon ng iba
Pero gusto ko lamang na iyong malaman
sinta ako'y naghintay
kahit na ang pagkikita natin
ay katulad ng paghihintay sa uwak pumuti,
na malabo ng mangyari.
-Ms.Good Girl with a brokenheart💔
#HugotSnapPoetry
Kay tagal kong hinintay na malaman ang katotohanan
At ngayon ito'y akin nang natagpuan
Ang sakit lang dahil sa iba ko pa nalaman
Na may mahal ka na pala tlgang iba
Ang hirap tanggapin dahil kaibigan ko pa
Pwede nmn iba na lang pero ano pa ang aking magagawa
Kaya ngayon aking napagdesisyunan na ika'y kalimutan na
Sapagkat pagmamahal ko'y hndi naman mahalaga
Ganun ba ako katagal nabulag sa kasinungalingan
Na ngayon lang ako nagising sa katotohanan
Ang sakit lamang pero kailangan ko na lamang tanggapin
Na kailan ma'y ika'y di mapapasa akin
—Bestie
#SpokenWordPoetry
How do you wake up from a dream,
A world you want to claim.
Walking into the unknown,
While dancing to an unfamiliar tune.
When do you recover from a mirage,
A disillusion from your life's page.
Never minding the negativity,
Undisturbed by the reality.
Staying is a will-o'-the-wisp,
But for now let me drown in this.
As I cherish the stolen moments
And choose to just love instead.
—Love ni Baymax
Wala na siguro talaga?
Sabagay una pa lang wala naman talaga diba.
Ako lang 'tong si tanga na umasa.
Pinipilit ko namang mawala na talaga, pero di ganun kadali na kalimutan ka.
Sinanay mo kasi ako sa bagay na wala pa lang kahulugan mula umpisa.
Bakit nga ba?
May mali ba?
Aaminin ko, hindi ako nagsabi sayo pero lahat naman ipinaramdam ko.
Maaring kinapos ako sa salita, ngunit hindi sa gawa.
Sa ngayon mahal masakit pa.
Alam ko namang kakayanin ko ito, pero nasasaktan ako sa pagsuporta mo.
Wala ba talaga?
Kahit konti wala?
Hanggang kaybigan na lang ba?
Ang sakit naman po pala.
Salamat nalang sa magagandang ala-ala.
Sa mga panahong napapasaya natin ang isa't-isa.
Sa mga tawa at iyak na nasaksihan nating dalawa.
Sa boses mo na mamimiss ko ng sobra.
Mula ngayon, hindi na ako makikinig sa mga paborito nating kanta.
Hindi ko na rin papanuorin ang mga palabas na napagkakasunduan nating dalawa.
Hindi na ako mag-iisip na may posibilidad na baka maging tayo pa.
Hindi na din ako aasa na baka magtext, chat o tatawag ka pa.
Hindi na talaga.
Ngunit mahal, titigil lang akong ipakita pero di ibig sabihin na titigil na akong mahalin ka.
Alam ko naman na masaya ka na sa iba.
Na napapasaya ka nya higit pa sa napapangiti kita.
Sana malaman mo na kahit ang sakit-sakit na, kahit papaano masaya na rin ako para sa inyong dalawa.
Dahil yun naman talaga ang dahilan diba?
Para saan pa't nasasaktan ako kung hindi ka naman magiging masaya sa ibang tao.
Maaring mas pinili kong lumayo, pero isang tawag mo lang andito na agad ako.
Hinihintay ang pagbabalik mo, baka kasi saktan ka ng taong napili mo.
At kung sakali man na bumalik ka nga, handa akong kalimutan lahat ng sakit na nadarama.
Babalik muli ako sa umpisa kung paano tayo nagkakilala, gagamutin at aalagaan ulit kita gaya ng ipinaramdam ko sayo noong una pa.
—Bebegerl 👑
#HugotSnapWalaNamanTalaga 💔
#SpokenWordPoetry
The First Time
The thought of you came in as I was walking through the bay. The sunset made me wonder how you’ve been so far, since the first time I laid my eyes on you that Sunday.
I remember how you wore that white shirt,
And how you utterly looked good in it.
I remember how you are in those faded jeans,
And how you undeniably looked astonishing on them.
I remember how the sky shook when I looked upon your face,
And how goddamn I knew,
that it was going to be you.
The first time I laid my eyes on you, they treated you like an artwork. My love, if I am to face thousands of work by prominent artists, these eyes would still search for you.
My eyes will always look for your existence, because you are a masterpiece, indeed, the only masterpiece in this world for me.
The first time I laid my eyes on you, my arms urged to hold you. I will never forget that sweet nostalgic feeling that you gave; how they begged to get a grip of you. How you made them feel the longing of something good that they never had. These arms will pull you close even in the darkest of the night but, this, I promise you, my love – they will never let go when the morning comes. I vow to never let you drift away when there are bumps in the road.
The first time I laid my eyes on you, my ears begged the heavens to hear your voice. They wanted to hear about your favourite book, the stories about your mother, and how you are chasing your dreams. Let’s lay under the stars and talk about them. Narrate how you cried when she broke your heart and I will mend it. Speak about the pain and I will ease it. Tell me because these ears are willing to bleed just to listen. Just tell me, love.
I felt cotton candies and unicorns inside me, the first time after a long run. Baby, you made my life a colorful galaxy.
For the first time, Monday mornings are something I look forward to.
For the first time, I left my zone of comfort.
For the first time, rainy days are no longer gloomy.
For the first time, the taste of my black coffee turned sweet.
For the first time, I threw all of my doubts and fears away.
You became my do or die.
And for the first time, my heart was ready to jump off the cliff.
—Katreena M. Salvador
#SpokenWordPoetry
Bago kita kalimutan, iisipin ko muna yung mga araw na patuloy mo kong binabalewala.
Yung mga araw na pinili mong magpasawalang bahala.
Yung mga araw na pinili mong magseen kahit active ka naman.
Yung mga araw na pinili mong hindi magreply sa mga mensaheng paulit ulit kong pinapadala sayo.
Bago kita kalimutan, naisip ko, balang araw, iba na yung aayain mong kumain ng disoras ng gabi.
Iba na yung kamay na pilit mong hahawakan kahit hirap kang kumambyo at magmanibela.
Iba na yung aasarin mo ng todo.
Iba na yung babaeng tatanungin mo kung masaya at nabusog ba sa mga kinain niyo.
Bago kita kalimutan, hindi ko alam kung naisip mo na ba 'to.
Na sa tuwing mainit ang ulo mo, tumitiklop na agad ako.
Na sa tuwing nalulungkot ka, mas nalulungkot akong walang akong magawa.
Na sa tuwing bumubuhos sa'yo ang problema, mas doble ang nais kong pasayahin ka.
Bago kita kalimutan, naisip ko na lang, may mga araw rin palang tayo'y naging masaya.
Yung mga araw na hatinggabi na pero kumakain pa rin tayo sa may Maginhawa.
Yung mga araw na gabi na't ang langit ay malamlam pero wala tayong pakialam.
Yung mga araw na para tayong mga batang tuwang tuwa't ngayon lang makakapanood ng pelikula.
Bago kita kalimutan, naisip ko, panigurado matatagalan pa 'to.
Panigurado, maiisip pa rin kita tuwing magigising ako't mag-isang kakain sa gabi.
Maiisip pa rin kita tuwing may bwisit na driver na kala mo natatae kung magmadali.
Maiisip pa rin kita tuwing may bagong labas na pelikula ang Marvel at DC.
Pero okay lang ako. Panigurado.
Bago kita tuluyang kalimutan, kailangan ko lang balikan lahat ng 'to,
Para maisip kong sulit naman pala ang mga panahong ginugol ko sa'yo.
—Mayu
#HugotSnapPoetry
Sa dinami-rami ng mga taong nasa paligid natin, bakit tayo na magkalayo ang ipinaglapit?
Marami namang iba dyan ngunit masyadong mapaglaro itong si tadhana, ipinagtagpo niya ang dalawang taong hindi magkatugma.
Hindi tayo agad nagkasundo.
Hindi tayo agad nagkaroon ng usapang matino. Dahil iba ka't iba ako.
Ikaw yung tipong manloloko.
Ako naman yung tipong seryoso.
Ikaw yung tipong mapang-asar.
Ako naman yung tipong pikunin.
Ikaw na mahilig sa sigarilyo.
Ako naman na walang bisyo.
Ikaw na gusto ang ganito,
gusto ang ganyan.
Ako naman kuntento sa kung anong meron ako.
Hindi ko na mabilang kung ilang beses mokong napikon. Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses kitang pinagmumura at napagsabihan.
Ngunit sa kabila ng lahat ng ito,
mas pinili kong kilalanin ka kesa ipagtabuyan dahil alam kong may maibubuga pa ang isang taong tulad mo na nakakairita sa paningin ng mga tao.
Hindi pa tayo nagkikita, memoryado ko na agad ang iyong mukha ngunit tila ito'y nagiging malabo na.
Hindi pa kita nakakausap harap-harapan ngunit alam ko na ang tono ng boses mo.
Hindi kita kailanman naging kaklase ngunit alam kong magaling kang sumagot sa mga tanong tungkol sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Tanda mo ba noong hinamon mo ako dati tapos natalo mo pako?
Hindi pa kita nakakasama ngunit alam kong malakas kang mang-yamot kaya labis ang pagkainis sayo ng mga tao.
Hindi ko alam ang mga pangarap mo sa buhay ngunit alam kong gusto mong maging sundalo.
Hindi mo pa ako napupuntahan, ngunit tila umalis kana agad.
Hinahanap-hanap ko ang tawag mo tuwing papatak ang alas otso ng gabi. Hindi ko rin maintindihan kung bakit hinahayaan ko na makausap ka ng matagal kahit wala namang saysay ang ating usapan.
Hindi ko alam kung ano ang ipinakita mo sa'kin. Sadyang inaasar mo lang ba ako tuwing sinasabi mong mahal mo'ko?
Naaalala mo rin ba noong nagpakilala ka sa nanay ko na boyfriend kita? Ang kapal talaga ng mukha mo, ang yabang mo pa.
Tapos naaalala mo rin ba tuwing tinatanong ko sayo kung bakit maayos kang kausap dahil hindi ako sanay dun, at isasagot mo sa'kin ay "Tumitino kasi ako pag kausap kita."
Biglaan kitang nakilala.
Biglaan ka ring nawala.
Hindi ko alam kung biro lang ang lahat o ako itong nagkamali dahil sineryoso ko ang hindi dapat seryosohin?
Hindi ko talaga alam kung may karapatan akong tanungin sayo kung ano ba tayo o ako lang itong tanga na masyadong naniwala na may "tayo" kahit wala naman?
Ikaw ang epal ng buhay ko
ngunit sino ba ako para sa'yo?
Sa dinami-rami ng tao sa daigdig bakit ikaw pa na walang pakialam ang namimiss?
- Shela
#HugotSnapPoetry
"Una at Huli"
Una palang kita makita
Ako ay nahulog na sa iyong mga mata,
Di ko akalain na sobrang lalim pala,
Di ko inaasahan na sobrang dilim din pala.
Na halos wala na akong makita.
Una minahal kita ng sobra sobra
Minahal kita higit pa mga sarili kong obra,
Oo mahal, obra ng pag ibig ko sayo.
Obra kung gaano ako nahulog sa pag mamahal mo.
Una di ko inaasahan na makikilala kita,
Una di ko inaasahan na magiging mahalaga ka,
Una di ko inaasahan na mamahalin kita ng sobra
At una di ko inaasahan na ako pa ang mang-iiwan satin'g dalawa.
Oo, mali ako. Iniwan kita dahil sa isang litrato,
Pero mahal naisip mo ba habang kinuhanan kayo,
naisip mo bang lumuluha ako ng palihim sa likod mo.
Una, sabi mo mahalaga ako sayo?
Sabi mo mahal mo ako?
Tangina, mahal ko.
Napapamura nalang ako sa sakit na dinadanas ko sayo.
Una, naniwala ako sayo.
Naniwala ako sa mga kataga at mga pangako mo na napako
At mga kathang isip na sa utak lang umiikot at naglalaho.
Mahal ko, masakit isipin na masaya ka na,
Mahirap tanggapin na may iba ka na,
Pero kung ako ba sya?, Magiging masaya ka pa din ba?
Ito'ng tula na to ay
Ang una at huli,
Unang tula na nilikha
para sa pagmamahal ko.
Huli, magtatapos sa obrang
sobrang puno ng sakit ng dahil sayo.
Huli... Huli na ang lahat
para sa ating dalawa,
Huli na ang kapalaran
dahil ayaw nang sang-ayunan.
Huli na ang pag ibig ko sayo
na tila para bang rosas at sampaguita,
na kagaya ng ating mga mata,
at mga labing naglapat para
sa pag ibig na walang wakas.
Huli na, huling huli na.
Mga mata ko'ng namumugto
dahil sa bawat pag tulo
ng bawat luha na alay sayo.
Huli na.
Tigil na.
Tama na.
Ayoko na.
Pagod na.
Suko na.
Mahal ko, paalam na. — Nathalie Layson
#HugotSnapPoetry
Bumangon,
Umusad,
Sa huli kong paglalayag,
damdamin ko'y mapapanatag.
Ang dating lugmok at umiiyak,
ngayo'y sumigla't umusad.
Bumangon,
Umusad,
Sa madilim na pinagdaanan,
sa kanyang hindi mo makalimutan.
Ngunit sa iyong paglalayag ikaw ay nakapag isip,
tama ng pag iisip panahon na para iwaksi ang kanyang natirang alaala.
Bumangon,
Umusad,
Rason mo siya sa bawat pag gising mo sa umaga,
hanggang sa pagtuloy siya'y iyong inaalala.
Ngayong siya'y nawala ikaw ay gumuho't lumuha.
Iwinaksi mo ang lahat at ika'y tumayo't umusad.
Salamat sa luhang pumatak sa iyong mata,
sa alaalang lubos sayong nagpasaya.
Ngayon ikaw ay nakausad at ganap ng masaya.
Ngumiti ka't ipakitang kawalan niya't talo siya.
—Trizha Kaye Cuarte
#HugotSnap
#Poetry
Nagmahal,
Nasaktan,
At ngayo'y natatakot muling buksan
Ang pusong nadurog
Parang pira-pirasong bubog
Nang sayo'y nahulog
Ang damdaming dati ay tulog.
Nagmahal,
Nasaktan,
Hindi na tiyak ang daan
Hindi mahanap ang paraan
Kung paanong limutin ang nakaraan
'yung dating walang kulang
Pagibig na hindi mabilang
Noong kahapong masaya lang.
Nagmahal,
Nasaktan,
Parang gabi at araw
Na paulit ulit
Parang ako at ikaw
Na hindi na mapipilit
Kasi di mo na 'ko kailangan
Kasi nagbalik na sya
Kasi ako 'tong si tanga ay di nag-alinlangan
Kasi inakala 'kong tayo ang para sa isa't isa
Pero eto na
Ang una't huli kong tula
Para sayo
At para sa lahat ng gagong katulad mo.
At para sayo
Na iniwan ng taong mahal mo
Tayo ay bumangon
Darating din ang panahon
Magmamahal muli tayo
Marahil masasaktan
Pero etong sigurado ko sayo,
Hindi ka na nya iiwan.
- AMC
#Poetry
#PansamantalangPagibig
Mahal naman natin ang isa't isa pero ikaw din ang unang umayaw. Umayaw ka dahil sabi mo, hindi mo alam ang gagawin kapag nasasaktan ako. Umayaw ka dahil sabi mo, ayaw mong mawala ang mga bagay na nakakapagpaligaya sayo. Pinigilan kita. Hindi ka nga lang nagpatinag dahil mas desidido ka na iwan akong magisa. Pilit kong iniisip, ginawa ko naman lahat pero bakit hindi pa rin sapat? Pasensya ka na ha, hindi ko lang talaga mapigilan na hindi magselos dahil may nararamdaman ako para sayo. Mahal na mahal kita e. Pasensya ka na kasi hindi ko napipigilan na hindi umiyak sa tuwing makikita kong mas masaya ka pa sa iba. Gusto ko humingi ng paumanhin sa lahat ng pagkukulang at pagkakamali ko sayo.
Pero wag kang magalala, huli na naman 'to. Hindi na kita hahabulin pa. Dahil sa tuwing hinahabol kita, ika'y natakbo palayo. Ngunit nais ko lang sana na malaman mo na, salamat. Salamat sa lahat ng memorya noong tayo pa. Salamat sa saya, lungkot at galit. Subalit hanggang dito na lamang dahil paalam na, mahal. Ayaw ko na.
-aesthete
"Ang Nakaraan"
Nakaraan? Dapat pa bang balikan? O dapat nalang kalimutan.
Sa lumipas na panahon, nakatatak pa din sa aking isip ang hapdi at sakit ng kahapon.
Kahapon? Nung una payapa lamang akong namumuhay na tila ba'y batang naglalaro lamang at walang kamuwang muwang sa buhay.
Simula nung dumating ka? Aking buhay, binigyan mo ng kulay.
Pinaramdam mo sa'kin na ako ang kukumpleto sa'yong buhay.
Ang dami nating pangako sa isa't isa,
Nagsumpaang tayo na talaga.
Ngunit, Akala ko ikaw na,
Akala ko ikaw na ang kukumpleto sa'king buhay.
Ngunit ako'y pinatikim lamang pala ng iyong matatamis na salita.
Nasaan na? Nasaan na ang pangakong iyong binitawan?
Ako'y iyong iniwan lamang.
Katulad ka din ng iba na puro pangako lang.
Ang sakit diba?
Ang sakit maiwang mag-isa.
Ang sakit kumapit sa salitang ako'y iyong "mahal" pa.
Ngayon ako'y nakakapit pa din,
Ika'y iniisip pa din.
Nagbabakasaling ako'y iyong muling mahalin.
Ngunit ako'y tinanong ng aking isip,
Dapat ka pa bang alalahanin?
O
Dapat nalang ibaon sa limot ang aking damdamin.
—Claudette May Nepomuceno
Bilang.
Nung bata pa tayo tinuturo sa atin kung pano bumilang
Upang malaman kung may sobra ba o may kulang
Ngunit bakit ngayon kahit alam ko na naguguluhan parin ako
Dahil sobrang minahal naman kita pero parang nagkulang ako sayo
Hindi ko alam kung saan ba ko nagkamali
Dun ba sa minahal kita kahit may mahal ka pa nung iba
O dun sa sumuko ako dahil pinaramdam mong ayaw mo na.
Hindi naman tayo ganito nung una diba?
Sobrang saya naten kapag kasama ang isat isa
Ngunit unti unti nang naglalaho isa isa
Ang bawat pangako mo na tayo hanggang dulo
Na hindi mawawala ang salitang ikaw sa salitang ako
Na hindi mawawala yung kung ano mang merong tayo
Pero bakit ganun! Bakit biglang nawala!
Lahat ng binuo nating pangarap nauwi sa wala.
Sumuko ka kase pagod ka na
Sabi mo ayaw mo lang akong masaktan pero ang totoo pagod ka na.
Pagod ka na kaya bumitaw ka sa pagkapit ko
Pagod ka na kaya sumuko ka sa paglaban ko
Pagod ka na kaya iniwan mo na ako.
Pero wag kang mag alala mahal.
Mahal na mahal kita ngunit pagod na din ako.
Alam kong wala na tong pag asa
Alam kong ikaw rin ay sawa na
Kaya kahit masakit pagbibigyan kita
Kahit mahal na mahal kita, mahal, tama na.
—Words by: nvc strong
Hindi ako yosi, na pagkatapos mong hithitin ay itatapon mo na.
Hindi ako yosi, na pagkatapos mong ubusin ay ibabato mo na.
At iiwanan..
At hahayaan
Na maulanan,
maarawan,
matapaktapakan,
at nag iisa lang.
Ngayon ako ay ubos na.
Sana hindi mo nalang ako hinawakan sayong' mga kamay
Kung itatapon din lang naman nang ganun ganun nalang.
—Dave Tan Sumillano
Photo by: boypren.
Ilang oras pa lang na wala siya,
parang araw na.
Sa araw na wala siya,
parang linggo na.
Sa linggo na wala siya,
parang buwan na.
Sa buwan na wala siya,
Halos parang taon na.
Hinahanap ko 'agad siya,
Kahit alam ko kung nasaan siya.
Gusto ko siyang tawagan,
At makausap pa.
Gayong alam ko naman
Na hindi na maaari pa.
Ang sakit-sakit pa,
Pero tanggap ko na.
Masiyado pang maaga,
Para sabihing hindi ko kaya.
Lilipas din naman 'to,
Hindi lang sanay sa biglaang pagbabago.
Marami pang makakasalamuha,
Mahabang panahon ang nakaabang pa.
Ramdam ko ang laki ng nawala,
Nang sakin siya ay mawala.
Pero alam ko masasanay rin ang bawat isa,
Na wala sa piling at ang hawak ay iba.
—Words and photo by AAA
SANA"
Umaasa pa din ako na "SANA" maging tayo. Umaasa pa din ako na "SANA" bumalik yung dati. Dati na sobrang close natin sobrang sweet natin sa isa't isa kahit hindi naman tayo. alam ko kahit hirap na hirap nako dahil mahirap ang sitwasyon tinutuloy ko pa din ang pag hihintay na "SANA" dumating yung araw na mamahalin mo din ako😞. Hindi ko alam kung bakit ako ganto sayo kahit binabalewala moko, kahit nasasaktan na ko, kahit nahihirapan nako pero eto pa din ako nag papa Katanga sayo gusto ko na sumuko pero Hindi ko magawa😞 hindi ko magawa kasi nga mahal kita. MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KITA. Halos lahat ng kaibigan ko tropa ko sinasabihan nakong "tanga itigil mo nayan" pero ayoko itigil kasi ganun kita kamahal ginawa kopang lumayo sa mga tropa ko para sayo sa tuwing umiiyak ka ako ang Sandalan mo sa tuwing may problema ka andito lang ako kasi nga sabi ko sayo yun na nandito lang ako. Ayaw kitang umiiyak ayaw kitang nababastos ng ibang lalake Jan at gusto ko niirerespeto ka nila gusto ko nasa mabuti kang kalagayan lagi ayokong nag kakasakit ka kahit minsan dimo na din ako nirereplyan halos lagi ktang kinakamusta kung kumain kana ba uminom kana ba ng gamot kamusta ung Tiyan mo kamusta ung tagiliran mo dahil jan din sa UTI mo kasi matigas ulo mo minsan kain ka ng kain at inom ng inom ng bawal sayo. Pero ako kahit Hindi mo na ko kamustahin ok lang basta ayos ka🙂 wala kang iniindang sakit wala kangg problema at masaya ka. Ok na din ako nun. Pero "SANA" mangyari mga hiling ko kahit yun na lang gift sakin sa darating na birthday ko at darating na pasko ingat ka palagi kung mababasa moto sana ma appreciate mo ung nasabi ko at ginagawa ko para Sayo salamat sa lahat ha. Ingat ka palagi Godbless MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KITA❤️.
—JL2K16
--#HugotSnapConfessions
Pag-ibig nati'y natapos nang hindi nagkaroon ng simula.Pero minahal naman natin ang isa't-isa.Pinaniwala mo akong iba ka sa kanila,na hindi mo ako iiwan at di papa asahin.Pagmamahal na umiral kahit sabihin mong "MU" lang tayo,pero alam kong totoong pagmamahal ang ipinaramdam mo,pina ngiti mo ako sa paraang ikaw lang ang nakakagawa,pag ako'y niyayakap mo ni hindi ako makahinga sa higpit na nagpapahiwatig na ayaw mo na akong pakawalan pa,mga nakaw na halik sa pisngi na kahit kinakagalit ko,pag uwi ko nama'y di maalis ang ngiti sa aking mga labi.
Akala ko ikaw na.Akala ko ikaw na ang una at huli ko,akala ko ikaw na ang hinihintay kong si Prince Charming.Pero lahat pala nito'y isang pagkakamali. Dumating ang araw na nagkakalabuan na tayo pero inaayos mo agad kasi ayaw mong mawala ako sa buhay mo. Tapos biglang nagka problema,problemang may kinalaman sa mga katagang "sila o ako", pero SILA ang pinili mo.
Sabi mo mahal mo ako kaso hindi mo man lang ako ipinaglaban,
am i not worth fighting for?
am i not worth the risk?
am i not enough?
-mga tanong na kailan ma'y di na masasagot.
Wala akong nagawa kung hindi palayain ka,kasi sino ba naman ako,dba?
Ako lang naman ang babaeng mahal na mahal ka at hindi ka iiwan pero naghanap ka prin ng rason para ako'y bitawan.
Hindi nga nagkaroon ng TAYO,pero mahal ko tandaan mo lahat ng pinakita ko sayo'y totoo,lahat ng binitawan kong salita ay galing sa puso ko at lahat ng luhang ibinuhos ko ay hindi ko pinilit ngunit kusang tumulo.
Isang buwan na ang nakalipas mula nung sinabi mong "tapusin na natin to" pero bakit ganun? ni hindi man lang nabawasan ang pagmamahal ko sayo.Aaminin ko umaasa parin akong kakausapin mo ako at sasabihing "Ayusin natin to,hindi ko kayang tuluyan kang mawala sa buhay ko" pero kahit sa panaginip,'yan ay malabong mangyari.
Sabi mo pa dati "takot akong mawala ka" pero siguro hinarap mo ang kinakatakutan mo at iniwan mo ako.
Pero sa araw na'to natauhan ako,Bakit pa ako naghihintay? Bakit pa ako aasa? Bakit pa ako nagpapakatanga? Siguro nga'y panahon na para ako'y magising sa katotohanang kailan ma'y hindi ka na babalik pa. Mahal parin kita pero ayoko na maging tanga,tama na! Tama na ang pagsulat ng mga liham na kelan may di'ko naman ibibigay.Tama na ang bawat suntok sa pader na sumusugat sa aking kamay.Tama na ang tuwing gabing pag iyak na minsa'y umaabot pa hanggang umaga. Tama na ang pag basa ng mga dating mensahe mong minsa'y nagpakilig sa akin.Tama na ang pagpunta sa mga lugar kung saan bumuo tayo ng mga magagandang ala-ala.At higit sa lahat,Tama ng ipaglaban ang taong ako'y matagal ng sinukuan.
Kapit pa o Bitaw na?
-saan pa ba ako kakapit?
-pano ako bibitaw kung wala naman akong pinanghawakan?
-AnonymousAssassin•xxiv
#HugotSnapConfessions
2 years. Lahat yun nawala dahil sumuko ka na. Hinintay natin yung tamang oras para maging legal tayo sa pamilya ko kaso bakit lung kailan maayos na lahat satin, iniwan mo ako? Lahat naman binigay ko sayo efforts, love pati pagmamahal ko. Nakalimutan kong mahalin yung sarili ko kaya ngayon hirap ako. Hirap ako umalis sa mundong ginawa natin pareho. Isang linggo na tayong wala hinintay kita nung araw ng kaarawan ko pero wala. Umasa ako na dadating ka ata papanindigan mo yung sinabi mo na babalik sa araw ng celebration ng birthday ko kaso wala ka. Napakasakit. Linggo nagka usap tayo, ang saya sa pakiramdam ko kase akala ko magiging okay din ang lahat. Kahapon nagkita tayo, sabay umuwi. Pinakapit mo pa ako sa braso ml katulad ng ginagawa ko dati yung tingin at ngit mo sakin katulad dati ng mga oras na mahal na mahal mo pa ako. Nakita ko lahat yun kagabi. Tinanong kita kung kamusta buhay single sagot mo okay lang. Tinanong kita anong tayo? Single, complicated o friends kaso sabi mo nasa middle. Nakakagagong sagot tiba? Nakakagago. Sabi mo kagabi susubukan natin itry ulit at iwork ang relasyon natin kaso naisip ko kaylangan mo lang siguro ako kase sa mga nililigawan mo ngayon walang pumapansin sayo. Nagmahal lang ako pero ngayon isa na akong reserbang tao para sayo. Laruan na babalikan mo pag gusto mo at iiwan mo pag nakakita kana ng bago. Mahal kita pero susubukan ko magwork to at pag hindi na ako na mismo bibitaw kahit ako lang naman yung nakahawak pa. Mahal kita. Mahal na mahal.
—Nico Tabuloc
#HugotSnapConfessions
Akala ko ok nako, akala ko hindi na masakit. Pero akala ko lang pala lahat, oo di pa talaga ako siguro naka move on, kase nasasaktan parin ako kapag nakikita ko mga pinopost mo, diko pa kayang tignan ng matagal mga pictures mo. 😞 Pinakawalan kita kase sabi mo gusto mo munang mag focus sa pag aaral at sa family mo, ayoko namang maging Hadlang sa pangarap mo. Tsaka hindi naman ako ganun ka selfish para hindi galangin ang disisyun mo. Nakakalungkot lang kasi isipin na, ikaw ok kana at naka move on kana. Halata naman kase sa mga pinopost mo. Ako eto, nagpapanggap na masaya, na ok nako. Na hindi na masakit, pero ang totoo sobrang sakit parin. Alam ko makakapag move on din ako, dipa ngayon pero soon. Sana pagbutihin mo pag aaral mo, alam ko balang araw matutupad mo din yang mga pangarap mo kase matalino at masipag ka. Proud parin ako sayo☺
—Ms cutesize
#HugotSnapconfession
Muntikan na sana.
Hindi ko naman inaasahan na magiging sobrang malapit kami sa isa't isa. Hinahangaan ko lang siya noon hanggang sa unti onti ko siyang nakilala at doon na nagsimula ang lahat. Nagsimula sa biruan, maikling kwentuhan, madalas na pag awit sa voice message, kulitan sa klasrum, walang sawang pagtetext hanggang sa dinaldahan kita ng mga masasarap kong luto. We have common interests kaya madali tayong naging close sa isa't isa. Dumating sa point na akala ng iba na magkasintahan tayo dahil ang sweet natin sa isa't isa.
Hanggang dumating ang araw na nagkaaminan ng nararamdaman natin sa isa't isa. Ang buong akala ako our feelings are mutual. AKALA KO LANG PALA. Salawahan pala. You chose not to pursue me because you're waiting someone you cannot have. Kasi umaasa ka pa rin na "baka" may chance ka pa sakanya dahil nagkakalabuan sila ng boyfriend niya.
He said, "nagkagusto" ako sayo pero hindi ko tinuloy. I have to stop myself of liking you. Hanggang kaibigan lang. Ayoko masira yung magandang pinagsamahan natin. Sana maging friends pa rin tayo. Sana wag mo ako layuan. Mamimiss ko yung luto mo.
Hays. Sabi nga sa kanta ni Ariana Grande, almost is never enough.
-Bbs
#HugotSnapConfessions
Still stuck on you
Its been 5 months nang hiniwalayan mo ako, and I still have no idea why we broke up. Okay naman tayo diba? Okay naman talaga tayo. Di ko lang alam kung saan tayo nagkulang parehas. I gave you a lot of chances, yeah A LOT. Di ko lang kung saan pa ba ako nagkulang. I did everything for you. I really thought I deserve you. Why? because you made me feel that I'm your forever, I'm your future wife, I'm the one you're going to grow old with. Sa loob ng anim na buwan nating magkasama, tawanan, kulitan, asaran, iyakan, bangayan. Lahat ng nangyari sa loob ng anim na buwan, akala ko tuloy tuloy na, akala ko pang habang buhay na. Akala ko lang pala yon. Di ko aakalain na mamahalin kita ng ganito katindi, ngayon lang ako nagmahal ng ganito.
3 buwan nang maghiwalay tayo, tinatawagan mo pa din ako, tinetext. nakipagkita ka pa nga nung araw ng monthsary dapat natin. you even kissed me, at umasa ako, umasa akong babalikan mo ako. pero hindi, wala. hinintay kita, pero nabigo nanaman ako. Isang buwan makalipas ang pangyayareng iyon, nabalitaan ko na nakahanap ka na agad ng kapalit ko. Ian, diba sabi mo, hindi ako ganon kadaling palitan? eh anong nangyare? nanliliit nga ako sa sarili ko eh, kasi pakiramdam ko, ako yung pinakapangit na naging girlfriend mo, kasi tignan mo yung girlfriend mo ngayon at mga ex mo, ang gaganda nila, samantalang ako, pangit, mataba. Sino ba naman ako diba? Ginawan kita ng liham na napakahaba, nilalaman noon ang mga katagang nais kong sabihin simula noong minahal mo ako. Sinusubukan kong makipagkita sayo, kaso masyado kang busy sa bago mo, pero ayos lang. I'm not your priority anymore. Siguro, panahon na lang ang kailangan ko para makalimutan kita, tulad ng paglimot mo sakin. Hanggang dito na lang Ian gene, mahal na mahal kita.
—Amira